PAGE 42

2315 Words

Inilipat ko sa susunod na pahina ang libro na binabasa ko habang nakaupo at nakasandal ako rito sa kama namin ni Luna. Umalis sila Recco para pumunta sa bayan upang mamili ng mga pagkain na p'wede naming i-stock dito sa bahay habang nandito sila. Mas okay raw ang maramin pagkain sa bahay. Gusto ko sanang sumama sa kanila upang makapasyal na rin ako sa lugar na 'to pero si Luna ay ayaw sumama dahil inaantok daw siya kaya hindi na lang din ako sumama kila Recco lalo na at may kalayuan ang bayan mula rito sa bahay ni Luna. Gusto akong pasamahin ni Luna pero ayaw ko siyang iwan kaya 'eto kami ngayon at nandito sa k'warto namin. Si Luna ay nakahiga at bahagyang nakataas ang damit sapat na upang lumabas ang tiyan niya na kanina ko pa kinakamot dahil kanina pa pinakakamot ni Luna ang tiyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD