"Recco," tawag kong muli sa kaharap kong tao. Nagbuntong-hininga siya bago tumingin sa akin at ibuka ang bibig. "Luna and Naomi—" Hindi na niya naituloy ang binabalak niyang sabihin nang sabay kaming mapatingin sa labas kung saan may narinig kaming malakas na ugong ng mga sasakyan kaya agad kaming sumilip ni Recco sa may pinakamalapit na bintana sa amin. Agad na nangunot ang noo ko nang makakita ko ng napakaraming mga kotse na nakahinto sa may harap ng gate ng mansion namin ni Luna. "T*ngina!" malutong na mura ni Recco bago magmadaling lumabas ng bahay kaya gano'n din ang ginawa ko, sumunod ako sa kaniya sa paglabas ng bahay. 'Sino naman kaya ang mga taong nasa labas?' Mabilis ang paglakad na ginagawa ni Recco kaya halos lakad-takbo na ang ginagawa ko. Muli kong tinanaw ang mga taon

