Hyacinth's POV "Where is he?" Tanong ko kay Aiden, sinenyasan nya kong sumunod sa kanya at pumunta sa underground basement ng hideout. Mga dalawang minuto kaming naglakad hanggang sa may nakita akong pinto sa unahan nya, binuksan nya ito at pinauna akong papasukin. Pagkapasok ko nakita ko si Xenon na nakaposas ang dalawang kamay sa magkabilang poste habang nakayuko, nagsimula akong maglakad papunta sa direksyon nya at ramdam kong sinundan ako ni Aiden. Nang maramdaman ni Xenon ang presensya ko, napatunghay ang ulo nya at napatingin sa direksyon ko, tsaka gumuhit ang ngisi sa kanyang mga labi. "You finally dicided to visit me, huh?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. "So, you already know I'm coming" Kunot noo kong sabi. "Xenon Campbell..." Hinawakan ko ng mahigpit ang panga nya at tin

