"Zach, kinakabahan ako." Kapit na kapit ako kay Zach habang naglalakad kami patungo sa bahay nila. Nag-set kasi ito ng dinner upang makausap namin ang kaniyang step mom at daddy. Ang alam ko kasi'y galit ang mga ito sa kaniya dahil nawala ang business deal nila sa pamilya ni Heidi nang hindi natuloy ang kasal. "Chill." Natatawang saad niya ngunit hindi nito naibsan ang kabang nararamdaman ko. Ayaw sana akong payagan ni Mommy dahil alam niya ang ugali ng mga ito. Kaya lang, pamilya pa rin sila ni Zach. "Mama, Daddy..." bati ni Zach sa dalawang seryosong nakatingin sa amin. Pareho na silang nakaupo sa mesang puno na ng mga pagkain. Tumango lamang ang Daddy niya habang tiningnan naman ako mula ulo hanggang paa ng kaniyang Mama. "Not bad," rinig kong bulong niya sa asaw

