"Sorry, we're late." Paumanhin ko sa aming magiging boss habang ang letseng Zach ay abalang nilalaro ang aking kamay. "It's okay," malanding saad nito habang malagkit na nakatitig kay Zach. May pinindot ito sa gilid ng kaniyang swivel chair at bigla na lamang itong nakarating sa aming harapan. "Zach, right? I'm Selene." Inilahad nito ang kaniyang palad kay Zach, 'tila hindi niya ako nakikita. Hugutin ko kaya ang mga mata niya? "Yes, ma'am." Walang emosyong sagot ni Zach sa kaniya, hindi niya pinansin ang nakalahad na palad ng malantod na ito. Napangisi tuloy ako na ikinataas ng kaniyang kilay. "Tanungin mo sa aking sekretarya kung saang department ka mapupunta. Zach, sumama ka sa akin." Padabog niyang pinindot ang button sa kaniyang upuan, nasa table na niya ito ngayon.

