"You want to eat something?" tanong ni Rox nang matapos ang morning session ng aming training.
"Ah, no. I'm going to meet someone." Dumaan kasi muna si Caleb dito sa Korea bago uuwi ng Pilipinas, nais niya raw akong makita.
"Sino?" matalim niya akong tinitigan kaya kumunot ang aking noo. Gusto kong sabihin na he's not my boyfriend to act like that pero hinayaan ko na lamang.
"Caleb, remember him?"
"Of course, siya lang naman ang nagsabi sa iyo noon na may babae ako kaya tayo naghiwalay." Mapakla nitong sagot.
"Nagmamalasakit lamang sa akin si Caleb, at totoo naman kasi iyon." Inirapan ko ito dahil nagbabadya ang aking iritasyon sa aking damdamin.
Argh! Bakit pati si Rox nadadamay sa iritasyon ko? F*ck you, Zach!
We are 30 participants in the training, 3 employees per company. Kaming tatlo ang magkakasama ngunit doon siya naupo sa kabilang grupo, tatlong mahaderang babae ang kasama niya! They are all Koreans and 'tila kilig na kilig ang mga ito kay Zach na ngiting ngiti naman habang ine-enjoy ang bawat paghaplos ng mga babae sa kaniya. Leche!
I'm not jealous, nakakainis lamang kasi hindi siya nagko-contribute sa bawat activity na ginagawa. That's it!
"Hey, Kezia! Are you listening?"
"Ahm, sorry. A-ano nga ulit iyon?"
"Sabi ko, sasama na lamang ako sa inyo ni Caleb kung saan man kayo pupunta."
Dumaan si Zach sa aming tabi kasama ang mga linta.
"Really? You're going with us, later?" nakataas ang aking kilay habang nakatingin sa babaeng nasa kanan ni Zach.
"Ang lalandi, mga retokada naman!" wala sa sariling bulong ko.
"Sure. Let's have dinner first before going to the bar." Sagot naman ng malanding lalaking ito ngunit ang mga mata'y nakatuon sa akin. Nakakairita, suntukin ko 'yang nguso mo nang sa gayo'y hindi ka na makangisi riyan!
"What now, Kezia?"
"Ah. Yah." Kahit na hindi ko naman alam kung anong sinasabi nito.
"Good, tara na." He held my right hand.
"H-ha?" napabaling tuloy ako sa kamay kong hawak niya. Ngumiti lamang siya ng malapad at hinalikan ang aking pisngi. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na tumingin sa gawi ni Zach.
His cold eyes held my gaze.
The hell, Kezia? Walang pakialam sa iyo 'yan? And you already moved on!
"A-ano bang ginagawa mo, Rox? I'm not your girlfriend." Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at nauna nang naglakad paalis.
"Hey, I'm sorry." Masuyo niya akong tinitigan nang mahabol ako.
"It's okay. Sorry, hindi kasi ako komportable sa ganoon." Pag-aamin ko.
"Caleb!" tumakbo ako palapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap.
"Missed me so much, ha?" natatawa nitong saad ngunit niyakap din naman niya ako pabalik.
"I missed you so much! Pasalubong ko?" bumitaw ako sa yakapan naming dalawa at matamis siyang nginitian.
"Para kang bata," ginulo nito ang aking buhok kaya napanguso ako.
"Ohhh, he's handsome too."
"I think, that's her girlfriend."
"Zach, that's your co-employee right?"
"I thought her boyfriend is the guy who kissed her a while ago?"
Inismiran ko ang mga babaeng higad, mga chismosa!
"I don't know her." Mabilis niya kaming nilagpasan, at malamang na sumunod ang mga kiti-kiti sa kaniya.
"Huwag ipapahalatang nagseselos ka, parang kakainin mo ng buhay iyong mga babae!" naiiling na wika ni Caleb.
"Yuck, hindi ako nagseselos. Wala na akong pakialam sa lalaking iyon."
"Hmmmmm?" tinampal ko ang braso nito kaya napatawa na lamang siya ng malakas.
Bakit naman ako magseselos, hindi ba? Hindi ko na siya mahal. Kahit maghalikan pa sila sa harap ko, wala akong pakialam!
--
"I'm Kristof. Kezia, right?"
"Hmm, yah! You're a Korean?" tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay sa akin.
"Half Korean and half Filipino." Marahan niyang pinisil ang aking kamay kaya mabilis akong bumitiw sa pagkakahawak nito.
It's our second day of our training at kailangan naming makipagkilala sa ibang grupo. Si Kristof ang unang lumapit sa akin, si Rox nama'y kausap na ang grupo ng mga lalaki sa kalayuan.
Zach? What do you expect?
Pinagkukumpulan na ito ng mga babae. Ano bang mayroon siya na halos lahat ay nagkakandarapa sa kaniya?
Really, Kezia? Parang hindi ka naging baliw sa kaniya noon, ha?
"Wow! You know how to speak Tagalog?"
"Oo naman, sa Pilipinas ako lumaki. Isang buwan pa lamang ako nakapirmi rito sa Korea."
"English-english ka pa, marunong naman palang magtagalog." Pabiro ko itong inirapan na ikinatawa niya.
"You're so cute. Actually, I have a crush on you." Lumaki ang aking mga mata sa sinabi nito ngunit bago pa ako nakapagsalita ay may humila na sa aking braso.
"Stay away from her or I'll crush your face." Pumagitan si Zach sa harap namin at itinago ako sa likod niya.
"And who are you?" matapang na tanong ni Kristof.
"Her boyfriend, so back off!"
"Boyfriend? Are you sure? Ikaw 'yong pinapalibutan ng mga babae, hindi ba? Kezia didn't deserve a f*ck boy boyfriend, she deserve a serious one. At sa mga nakikita ko? You're not serious with her." Humigpit ang hawak ni Zach sa aking braso dahil sa galit.
"You know nothing. At sinong deserving sa kaniya, ikaw?" he chuckled.
"Mas deserving ako kaysa sa iyo." Palakas na ng palakas ang boses nila dahilan kung bakit nasa amin na ang atensyon ng iba, lalo na 'yong mga babaeng kasama ni Zach kanina.
"What's happening here?" singit ni Rox. Rinig ko ang malakas na pagbuga ng hangin ni Zach, humarap ito sa akin at niyakap ng mahigpit.
"What the f*ck, Zach!" pilit kong kumawala ngunit hindi niya ako pinapakawalan.
"Just a minute, please? I need energy, bakit ba kasi ang daming umaaligid sa iyo ngayon?" inis niyang bulong.
"Bakit ka pa kasi nakikialam, madami ka namang babae diyan!"
"I don't care about them, tsaka lumalapit sila sa akin dahil may hinihingi akong tulong sa kanila."
"Reasons."
"You're jealous, aren't you?"
"Of course not!"
"What the hell is happening here? And can you please stay away from Kezia?" marahas akong hinila ni Rox ngunit mas hinigpitan ni Zach ang pagkakayakap sa akin.
"Pakawalan mo siya, she's not yours!" pinakawalan ako ni Zach at mabilis na sinuntok si Rox sa mukha. Nagkagulo ang lahat, kaniya-kaniya silang awat sa dalawa. Habang si Kristof nama'y nakisali sa suntukan.
What the f*ck is this?
"Tama na!" kanina ko pang sigaw ngunit hindi sila nagpaawat. Lumapit ako kay Zach at hinila ang laylayan ng damit nito habang abala siya sa pagganti ng suntok kay Kristof.
"Zach, please?" niyakap ko ang braso nito kaya napatigil siya at tumingin sa akin.
"Tsk. Fine." Mabilis niya akong hinila palayo.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makalabas kami sa hall.
"In my room."
"W-what?" napatigil ako sa paglalakad kaya maging siya'y napatigil din dahil hawak niya ang kamay ko.
"Why? What's wrong kung dadalhin kita sa kwarto ko?" ngising tanong niya habang ang mga mata'y mapaglaro.
I'm doomed.