Chapter One
Babaero
Natapos na ang summer vacation namin at dahil dun ay balik eskuwela na din ako. Ilang linggo na din simula noong pasukan at marami na kaagad kaming projects. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil mag kakaroon ako ng dahilan upang gabihin sa pag uwi o maiinis dahil sa sobrang dami ay hindi na kami nag karoon ng chance na makapag party ng mga kaibigan ko.
"Girlss!! May good news ako, nagyaya si Johnny sa kanila mamaya daw." Nakangiting salubong sa amin ni Penny.
"Ilang linggo ko nang hinihintay ang magandang balita galing sayo Penny, Finally! Nakakasawa na panay libro ang kaharap ko kapag gabi," sabi naman ni Betty
"Paano ay kakapasok lang natin madami na kaagad projects ang ibinalandra sa atin," sabi ni Penny habang umupo ito sa tabi ko.
Penelope Cruz and Elizabeth Dela Rosa are my best friends since elementary. Mag mula noong magsimula akong mag aral ay kaklase ko na silang dalawa. Hindi ko nadin mabilang if ilang beses na kaming tumakas kapag gabi para lang makapag party sa mga iba naming kaibigan.
"Annia ikaw sasama kaba mamaya?" tanong sa akin ni Penny.
"Oo naman, kailan ba ako tumangi sa party?" Nakangiti kong sagot kay Penny.
Hindi nagtagal at dumating na ang aming teacher sa oras na iyon. Nakinig akong mabuti sa sinasabi ng mga teacher namin na pumasok. Ngunit hindi ko mapigilan na mapatingin sa binta dahil narin sa ingay ng mga dumadaang Grade 12. Hindi ko maalis doon ang mata ko hanggang sa mawala na ang lahat ng mga dumadaan. Lumipas ang ilang oras at dinismiss na kami ng aming teacher.
Inayos ko ang aking mga kagamitan bago ako lumabas ng room at nag punta kami sa canteen upang kumain. Pagdating namin sa canteen ay may mga iilang estudyanteng nakatingin samin, hindi ko alam kung bakit. Pero sapalagay ko dahil sa name plate ko na kitang kita ang buong pangalan ko.
Annistyn Amara Villavicencio, ang pamilya namin ay isa sa mayayamang pamilya dito sa Eretria. Kilala sa buong Eretria ang pamilya namin dahil sa kami ang nag iisang supplier ng mga magagandang bulaklak, ang pamilya din namin ang nag mamayari ng Villacencio Real Estate dito sa Eretria. May mga iilang business din sina mommy at daddy sa ibang lugar pero hindi ko na matandaan ang mag ito dahil sa sobrang dami.
"Annia, hanap kana ng table natin kami ng bahala ni Penny ang mag order ng pagkain natin" Nakangiting sabi sa akin ni Betty.
Kaagad naman umalis ang dalawa sa harapan ko upang mag order ng kakainin namin. At ako naman ay nagsimula ng mag hanap nga lamesa kung saan kami kakain.
"Miss Annia! Dito na kayo sa pwesto namin."
"Annia may libreng space pa kami dito sa aming lamesa dito nalang kayo ng mga kaibigan mo."
"Mas maluwag dito sa pwesto namin Annia."
Maraming nag-offer sa akin na magshare kami sa lamesa nila pero hindi ko sila sinagot o pinansin man lang. I'm not that friendly, kagaya ng iba. I stayed at my circle of friends.
Nagpatuloy ako sa pag hahanap ng table kung saab kami kakain. may nakita akong table na gusto ko pero may nakaupo doon na isang nerd na hindi ko alam if galing pa sa baul ng lola niya ang suot niyang uniform. Lumapit ako sa kung saan siya nakaupo. Tumayo ako sa harapan nita at pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Miss Anni-"
"Cut the s**t, get up there! Maghanap ka ng ibang pwesto mo dahil dito ko gustong umupo," I said as I roll my eyes and I arch my eyebrows at her.
"pe-pero miss kakasimula ko lang kumain," sagot nito sa akin habang inaayos ang kanyang salamin.
"I don't care! I want this table. Now tayo na at umalis kana dito bago pa mag dilim ang paningin ko."
Dali dali niyang kinuha ang tray niya at tumakbo palayo sa akin. Tinawag ko ang isa sa janitor dito sa canteen para ipalinis ang lamesa. Matapos itong malinisan ay umupo na ako at hinintay ang dalawa kong kaibigan. Maraming nag subok na kumausap sa akin ngunit isang irap lang ang ibinigay ko sa kanila. Ang ilan ay hindi na sumubok na lumapit sa akin dahil kilala at alam na nila ang ugali ko.
Sa sobrang tagal nina betty ay nainip ako sa kakahintay sa kanila kaya kinuha ko nalang ang phone ko. Habang scroll ako sa iilan kong social media ay may narinig akong nag bubulong bulungan sa katabi kong lamesa.
"Narinig mo ba na bumalik na galing maynila sina Aiden."
"Oo nakita daw ni Kiya kanina si Daxon sa gym bumalik na ata ito sa pag babasket ball."
"Omg!!! For sure madami nanaman manonood ng basketball niyan dahil kasali ulit sa Daxon."
Umirap nalamang ako sa pag-uusap ng mga babaeng nasa tabi kong lamesa. Muntik ko namang mabitawan ang telepono ko sa gulat nang bigla itong tumunog. Nakita ko ang pangalan ni Clyden sa screen ng phone ko.
"Hello..." Ramdam ko nakangiti siya habang nag sasalita.
"Cly! What do you want?" tanong ko sa kanya at nakita ko na kaagad napatingin sa akin ang mga babae na nasa paligid ko.
"I just miss you, Annia. Where are you? Pupuntahan kita."
"I miss you too. Nasa canteen ako ngayon kakain kami ng lunch. Come here sabay na tayong mag lunch," I said and I ended the call.
That's Clyden Alaric Adriatico one of the three men na pinakilala saakin nina mommy last summer. The other two are his cousin Aiden Elizer Adriatico & Daxon Amiel Adriatico. Among the three of them si Clyden ang naging close ko.
Clyden has the more friendly aura kesa dun sa dalawa. He has a deep brown eyes na kapag tumingin ka ay you will see happiness. His hair is 2 inches longer than the usual clean cut and it's color brown. And as for his body Clyden his muscles are on right place like his cousins. While Daxon has black eyes that when you look at him you feel like he is hypnotizing you. He always have a smile on his lips too but with more on a seductive smile. And Aiden he has deep and dark brown eyes that is full of seriousness. Sa kanilang tatlo ay siya lang hindi ko gaanong nakakausap. Lagi akong kinakabahan kapag nakikita ko siya, I wasn't very comfortable with him.
"Hayyy ang haba ng pila ng mag bumibili tapos ang bagal pa nilang mag receive ng order." narinig kong reklamo ni Penny pag dating nilang dalawa ni Betty.
Inilapag nilang dalawa ang tray ng pagkain namin sa lamesa. Linagay sa ni Betty sa tapat ko ang carbonara at isang orange juice.
"Akala ko ay hindi na kayo darating. Malapit na akong amagin dito." At inirapan ko silang dalawa.
"Masyadong mabagal ang mga nag seserve ng pagkain," ani ni Betty at nag simula ng kumain.
Habang kumakain at nagulat ako sa biglang pag dapo ng isang halik sa aking pisngi. Hindi na ako nagtaka kung sino ito.
"Cly! I'm eating, kumain kana ba? You want some?" Pag-aalok ko sa kanya noong makaupo siya sa tabi ko.
"Kakain ko lang with Aiden kanina, pinuntahan lang kita kasi I miss you. Ilang weeks kitang di nakita," nakangiti nitong sabi sa akin.
"You went to manila kaya. Oh by the way meet my best friends. This is Penelope and Elizabeth." Pag papakilala ko sa dalawang kasama ko na hanggang ngayon ay gulat padin sa nakikita.
"Hello Penelope and Elizabeth! Nice meeting you."
"Just call me Penny, Clyden."
"And Betty for me masyado old fashion ang Elizabeth."
Tugon ng dalawa kay Clyden. Kaagad naman na naging comfortable ang dalawa kay Clyden kaya hindi nahirapan mag-usap. Nasabi sa akin ni Clyden na pupunta din silang mag pipinsan sa party na gagawin kina Johnny.
"I can fetch you guys later papunta sa party." Pagaalok ni Clyden sa amin
"Don't worry Cly may driver naman kami," ang sabi ko sa kanya.
"Ako baka magpapasundo na lang ako dun sa kadate ko," ang sabi ni Penny.
"Ako din sa kapatid ko nalang ako magpapahatid," ani na Betty habang kumakain padin.
"Come on Annia, ngayon lang nga tayo nag kita e," he said habang naka-puppy eyes siya sa akin.
Nag paalam na yung dalawa sa akin pagkatapos nilang kumain. Nag mamadaling umalis yung dalawa mukhang mag boboy hunting sila. Wala na daw kami pasok mamayang afternoon kaya baka sumama nalang muna ako kay Clyden.
"May nakapagsabi sa akin na cancel na daw ang afternoon class namin, I think sasama na ako sayo."
"Ganon ba? Manonood ako ngayon ng basketball sa gym. Ang sabi kasi sa akin ni Daxon ay laban sila. Gusto mo ba sumama?"
"Talaga ba? Oo gusto ko din makitang maglaro si Daxon," nakangiti kong sabi kay Clyden.
Naglakad kaming dalawa papunta sa gym, habang nag lalakad ay nakaakbay sa akin si Clyden at pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Ngayon lang ba sila nakakita ng taong magkaakbay? O baka dahil mas matanda saakin si Clyden?
Grade 12 na si Clyden at Daxon while si Aiden naman ay Grade 11 na. Unang kita ko palang sa kanila ay alam ko ng mas matanda sila sa akin. Ngunit hindi naging handlang yung edad ni Clyden upang maging magkaibigan kami.
Pag dating namin sa gym ay umupo kaagad kami sa bleachers sa likod ng team nina Daxon. Hindi pa nag sisimula ang laban kaya tinawag ni Clyden si Daxon ta lumapit ito sa amin.
"Hey Dax! Come here kasama ko si Annia."
"Annia my little bad girl," bati nito sa akin nakangiti at inirapan ko lamang siya.
"Dax you evil man, how are you? You look still look evil."
Ganyan talaga kami mag batian ni Daxon. Napatawa naman siya sa aking sinabi sakanya. Lumapit ito sa akin at niyakap ako.
"Watch me Annia, and for sure magugustohan mo ako."
"Funny Dax kahit na ikaw pa makascore ng lahat ng score niyo, I still won't like you. I don't like babaero"
"Burn dude, alam mo namang walang panama kay Annia yang mga papogi mo."
"Unfair! Babaero din naman si Clyden ah!" Pag rereklamo nito na parang bata natawa ako sa inasal niya.
"And you are a manwhore Dax, and Cly is only my friend."
"So you don't like us?" tanong ni Clyden
"Yes I don't like you to two. You two are more like my brother come on."
"So you like Aiden then?" Nakataas na kilay na tanong ni Dax.
"Are you serious? Ni hindi ko nga kakausap yun pinsan niyong iyon e. I don't like him too."
"Dahil babaero din si Aiden?"
Gaya nga ng sinabi ko ay wala ako masyadong alam kay Aiden, pero isa lang ang sigurado ako na impormasyon sa kanya. Yun ay babaero din siya. Naririnig ko minsan ang mga babae na nag uusap na he change girlfriend the way he changed his clothes.
~~