"Hindi ako papayag," sabi ni Tatay bago bumalik sa kanilang kwarto. Nagkatinginan kami ni Miguel, at kitang-kita ko ang panghihinayang sa kanyang mga mata dahil sa sagot ni Tatay. Agad namang lumapit sa amin si Nanay. "Kakausapin ko ang Tatay mo, Ciarra... hindi pa naman kayo nagmamadali diba? uunahin muna natin ang birthday ni Ian tapos pag-usapan nalang ulit natin," sabi ni Nanay. Tumango ako bilang sagot at hinawakan ang kamay ni Miguel. Isang linggo bago namin masabi kay Tatay na magpapakasal kami dahil akala ko ay mainit lang ang ulo nito. Napatingin ako kay Miguel nang hawakan niya ang kamay ko at ngumiti nang hawakan niya ang singsing. "Pag-usapan muna natin ang birthday ni Ian," sabi niya, at pumasok na kami sa aking kwarto. "Ano ba ang gusto mo para sa birthday ni Ian? Gusto

