Napatingin ako sa kamay ko na nginginig sa kaba. Iniwas ko ang tingin ko doon nang narinig kong tumawa si Ian. Nakasakay ito sa stroller habang tinutulak ni Miguel. Nasa mall kami ngayon para makipagkita sa Papa ni Miguel kaya kinakabahan dahil hindi ko alam kung tanggap ba nito si Ian. Ano kaya ang gagawin ni Miguel pag hindi. Sa Mall naisipan ni Miguel na makipagkita sa Papa para makapamili kami para sa binyag ni Ian. Napagdesisyonan na namin na pabinyagan na si Ian next month dahil nagiging sakitin na ito nung mga nakaraan kaya sabi ni Nanay ay pabinyagan na para hindi na maging sakitin. "Okay ka lang ba? kanina ka pa walang imik." Si Miguel. "Naiisip ko lang na bumili ng crib para kay Ian." sabi ko nalang pero kailangan na talaga namin ng sariling crib para kay Ian dahil muntik na i

