Ciara's POV Hating gabi ay nagising ako dahil naramdaman ko ang malakas na sipa sa tiyan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at pagtintingin ko sa tabi ng aking kama at wala si Miguel. Tumingin ako sa liwanag na nakikita ko at nakita ko si Miguel na abala sa laptop nito na mukhang gumagawa ng trabaho. Napatitig naman ako sa mukha ni Miguel ma seryosong seryoso sa pagbabasa. Hindi ko maitatangi ang itsura niya dahil halos araw-araw ko siyang kasama. Bumangon ako sa pagkakahiga ko at nakita ko namang lumapit agad sa akin si Miguel. Tinulungan niya akong makatayo dahil nahihirapan na ako kasi sobrang laki na ng tiya ko. Inalalayan ako nito papunta sa cr medyo manas na din ang paa ko. Pagkatapos kong magcr, pagbukas ko ng pinto ay bumangad sa akin si Miguel na nakasandal sa gilid ng pinto nak

