ANNIE'S POV Nagulat ang pinsan ko ng makita ako sa may pinto. Tumayo siya at lumapit sa may pintuan. "Annie, ano ginagawa mo dito?" Isinara niya bahagya ang pinto. "Uwi na tayo." Yaya ko sa kaniya. Pakiramdam ko wala na ako sa sarili. Napangiti ang pinsan ko. "Maya maya. Tapusin ko lang to. Sige na. Doon ka muna." Taboy nito sa akin. Tapos sinara ang pinto at narinig kong nilock niya pa ito. Nag-iinit na ang tenga ko sa ininom ko at sa inis ko. Kaya nagpasya na lang akong umuwi mag-isa. Lumabas ako ulit sa may pool dahil doon ang daanan pabalik sa bahay ni lola. Napansin kong mag-isa na lang si Arabella sa may table. Nakatulog na ito sa upuan. Wala si Tito Isaiah. Kaya nagmadali na akong lumakad pababa. Binuksan ko ang maliit na gate sa likuran. Tapos sinara ko na din. Medyo madi

