ANNIE'S POV Dahil sa tensyon ng nangyari, isa-isa nang nagsilabasan ang mga tao sa venue. Tahimik ang karamihan, tanging mahihinang bulungan ang maririnig—mga usapang puno ng pagtataka at panghuhusga. Samantala, si Arabella ay tila naubusan ng lakas. Hindi na siya nakatutol nang dahan-dahang akayin siya ni Enzo palabas. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagkabigla o sa kawalan ng ibang pagpipilian, pero hinayaan na lang niyang dalhin siya nito. Tahimik siyang isinakay ni Enzo sa kotse. Naglakad kami papunta sa parking area kung saan naka-park ang kotse. Biglang nagpaalam sa akin si Marco. "Annie, babalik muna ako sa bar," sabi niya, sabay halik sa pisngi ko. Agad siyang sumakay sa kotse niya. Sumakay na rin kami sa kotse. Tahimik kami sa loob, pati na rin ang mama, papa, at pinsan ko

