ISAIAH'S POV Hindi ko masisisi si Digs kung magalit siya sa akin. Alam kong mali ang relasyon namin ni Annie, pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Mahal ko siya. Ayokong isipin na isang pagkakamali ito dahil sa tuwing kasama ko siya, ramdam ko ang tunay na kasiyahan. Hangga't maaari, gusto kong itago muna ito. Huwag sana muna malaman nina Ate Maureen at Kuya Mar ang tungkol sa amin ni Annie. Hindi ko alam kung paano nila tatanggapin ito—lalo na si Kuya Mar na na-stroke at hindi ko gustong maging sanhi ng anumang stress sa kanya. Hindi pa rin siya lubusang nakaka-recover, at ayokong dagdagan ang alalahanin niya. Ngunit paano kung dumating ang araw na hindi na namin kayang itago ito? Paano kung malaman ni Kuya Mar at ni Ate Maureen? Kakayanin ba nila? At paano kung hindi nila ito

