ANNIE'S POV Labis ang tuwa ni Marco nang sinagot ko siya. Agad niya akong hinagkan, mariin at mapusok ang kanyang halik. Sa una, nagulat ako, pero hindi ako umatras. Hinayaan ko siyang gawin iyon. Wala ako sa sarili ko—o baka naman sadyang hinayaan ko na lang ang sarili kong madala sa sandaling iyon. Sa totoo lang, wala akong nararamdaman kay Marco. Pero bakit ko siya sinagot? Siguro dahil gusto ko lang kalimutan ang tunay kong nararamdaman—ang sakit, ang pangungulila. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata, pilit na nilulunod ang alinlangan sa init ng kanyang yakap. Ngunit kahit anong gawin ko, may tinig sa isip kong paulit-ulit na bumubulong… Hindi ito ang pag-ibig na hinahanap mo. Tinulak ko nang bahagya si Marco. Napangiti siya, waring aliw na aliw sa naging reaksyon ko. “Nabigla ka

