Chapter 2

1225 Words
"Eeek! ano ba yan?! Napansin ni Tito Isaiah ang nakita ko. Dali-dali niyang tinakpan ang mata ko at tinakpan niya ng damit niyang nakakalat ang bagay na iyon. "Hoy, ano ka ba. Bawal sayo yan. Huwag mong titigan yan." Tapos inikot niya ulo ko palayo. Tapos tumawa siya. "Sagwa mo talaga, Tito..." "Malalaman mo din yan pag-lumaki ka na. O, ayan tapos na project mo ang dali lang pala, e." Natuwa naman ako ng makita ko ang gawa niya. Tapos pumasok si Lola Trina. "Nakahanda na yong meryenda niyo sa labas." "Ok po Lola, salamat. Salamat din Tito." "Anong salamat may bayad yan, hoy.!" "Ha!?" Anong bayad kaya wala naman akong pera. Isip ko. Sumenyas si Tito at tinuro ang pisngi niya. Na gets ko naman ang ibig niyang sabihin. Hinalikan ko siya sa pisngi. Natawa si Lola at si Tito. Tapos patakbo na akong lumabas at inuwe ko na lang ang meryendang ginawa ni Lola Trina. Kinabukasan lingo, gabi na iyon. Nasa labas lang ako ng terrace namin. Nagpapahangin. Di pa kasi uso ang cellphone. Kaya sa terrace ako nagbabasa ng manga comics. Sa labas matatanaw mo rin ang mga taong pumapasok sa loob ng gate nila Lolo Kanor. May nakita akong dalawang tao sa labas ng gate. Magkaakap tapos, naghahalikan! Nakilala ko agad si Tito Isaiah! May kahalikang babae. Tapos biglang napatingin ang babae sa kinaroroonan ko. Nagtago ako bigla. Narinig ko nalang na nagsalita si Tito. "Huwag kang mag-alala, pamangkin ko lang yun." Tapos narinig ko na binuksan ni Tito ang gate. Unti-unti akong sumilip tinignan ko kung ano na ang ginagawa nila Tito at ng kasama niyang babae. Pumasok sila sa loob ng gate. Tapos sinira ni Tito. Tapos pumasok na sila sa loob ng bahay. Nagtaka ako pumayag ba si Lolo Kanor at Lola Trina na magdala ng bisita sa loob ng bahay si Tito lalo na babae tapos dis oras pa ng gabi? Pumasok na ako sa loob. Pumunta ako sa baba sa sala. Nanonood pa si papa at mama ng tv. Nagtanong ako kay mama. "Ma, nandyan ba sila lolo at lola?" "Ay, wala umalis sila kaninang madaling araw nagpahatid kay papa mo sa sakayan papuntang bukid. Bakit?" "Wala naman. E di si Tito Isaiah lang nandyan." "Oo. Ewan ko kung dumating na." "Naandyan na." Sabi ko. "Nakita kong pumasok". Pero hindi ko sinabi na may kasamang babae. "Nandiyan na pala. Hatiran mo nga ng pagkain. Baka di pa kumain yon." Tapos tumayo si mama at kinuha ang pagkain na ihahatid ko sa kabilang bahay. Nag-aatubili pa ako ihatid. Meron din kasi kaming daanan na access papunta sa bahay nila lolo. May gate din kami sa gilid na papunta sa kabila. Nasa harap na ako ng bahay nila lolo. May naririnig akong anasan tapos halinghing sa loob. Bigla ako kumatok. Tapos wala pa ding sumasagot. Nilakasan ko pa ang katok. Tapos narinig ko na parang may nagmamadali sa loob. Nilapit ko ang tenga ko sa pinto. Tapos biglang bumukas ito. Si Tito, parang hinihingal tapos magulo ang buhok tapos ang suot niyang polo ay hindi nakabutones. Parang sinuot ng madalian. "Annie, ikaw pala...." Tinulak ko ang pinto para makapasok ako. Hawak ko pa ang mangkok na may pagkain. Nakita ko sa sala nakaupo ang babae. Tapos inaayos ang damit. Tumaas ang kilay ko. "Sino siya, Tito?" Irita kong tanong. Taranta namang sumagot si Tito Isaiah. "A, ...eh.....kaibigan ko.....si Betty ..." Tapos sinuklay suklay ni Tito ang buhok niya na gumulo. "Ba't ka nandito gabi na." Iniabot ko kay Tito ang mangkok ng pagkain. "Pinabibigay ni mama. Kumain ka na daw." Tapos tumalikod na ako. At padabog kung sinira ang pinto. Narinig ko sabi ni Tito. "Pasensiya ka na may tantrums ata ang batang yon." Nagngingit ako. Tapos pagpasok ko ng bahay. Napansin ako ni mama. "O, bakit ka nakasimangot?". "Inutos utusan nyo pa po kasi ako, e " Tapos padabog akong umakyat sa kwarto. "G*g*ng batang tong, inutusan lang e." Bumalik na sa pagnood ng tv si mama. Halos ma-late na ako sa school. Hindi kasi ako nakatulog agad sa inis ko kay Tito Isaiah. Ang tanong bakit ako naiinis? Nagising ako 7:30 na. Nagmadali na akong naligo at nagbihis ng uniform. Kinuha ko na din ang bag ko. Pagkatapos ay bumaba na ako. Nadatnan ko sa kusina si mama at si ate trixie. At sa dulo ng lamesa, hindi ko na pansin....si Tito Isaiah. Inignore ko siya. Tsaka nakasimangot ako. "Oy, good morning. Ma-li-late ka na." Anito. Kumakain siya nang breakfast. Wala kasi si lola at lolo kaya siguro dito na siya pinakain ni mama. Napansin niyang di ko siya kinibo. Tahimik lang kumakain si ate trixie nagbabasa ng kanyang books dahil may test daw sila at si mama naman ay nagluluto pa ng sunny side up egg "---may problema ba?"Tanong ni Tito. "Ay naku kagabi pa yan. Pagkagaling dun sayo naghatid ng pagkain nakasimangot na..." Tapos bumaling sa akin habang sinasalin ang pritong itlog. "o ito kumain ka na at late na, no" Bulyaw ni mama. "Dapat pala, Ate Simang ipinangalan mo diyan. Lagi kasi nakasimangot, e. " Tapos tumawa si Tito at Ate trixie ng malakas. Lalo akong sumimangot. At pinukulan ko si Tito ng matalim na tingin. Habang sumusubo siya ng kanin at ulam. Pero kinindatan niya lang ako. Na may matamis na ngiti. Binilisan ko ang kain. Maya maya dumating ang kaklase ni Ate Trexie. Hindi kami sabay ni Ate pumapasok. Lagi niya ako iniiwan. Nagpaalam na ang mga ito. Patapos na din ako kumain. Tapos kinuha ko na ang mga gamit ko. Nagpaalam na ako kay mama. "Paalis ka na, sabay na tayo. Ihatid na kita sa school mo." Sabi ni Tito Isaiah. Hindi ko pa rin siya kinibo. "Kinakausap ka ng Tito mo..." Sabi ni mama. Pero deretso na ako lumabas. Narinig ko na lang nagpaalam na din si Tito kay mama. "Sige, Ate alis na din ako. Ihatid ko na lang si Annie sa school niya." Dere-deretso ako naglakad hanggang sa kalsada. Napansin ko si Tito Isaiah humahabol sa akin. "Oy, Anni-nipot, antayin mo naman ako!" Hindi ko pa rin siya kinibo. "May problema ba tayo?" "Ako wala. Baka po kayo meron." Sabi ko. Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya. Nag-isip siya. "Ha? Bakit ako, e, ikaw tong nagmamaktol." Inismiran ko siya. "Sandali.....nag-seselos ka ba?" Anito. Na parang natatawa. "Ewww! Tito ang laswa mo talaga. Hello! Bakit naman po ako mag-seselos, e Tito ko po kayo." "Yon na nga e. Bakit ka nga nagagalit dahil ba sa nagdala ako ng girl sa bahay?" Parang ganun na nga. Tsaka I don't like that girl. Yun sana sasabihin ko sa kanya. Kaso wala akong karapatan. Bata lang ako e. Tinignan ko lang siya. Nasa tapat na kami ng school ko. Kabilang block lang naman kasi. Kaya nilalakad lang namin ito. "Dito na ako Tito. Salamat sa paghatid." Kalmado kong sabi. "So, peace na tayo?" Hindi ako nagsalita. "Ngumiti ka naman, o. Lumalaki ang butas ng ilong mo, e." Tapos tumawa. Sinuntok ko siya sa tiyan. "Aray! Binibiro lang, e. Halika ka nga..." Hinila niya ako ginulo na naman ang buhok ko. "Eeee! Tito, naman kakaayos ko lang nito, e." "Secret lang natin yun, ha.?" "Bahala nga po kayo." "Sige na. Pumasok ka na, oy! Late ka na." Pumasok na ako sa gate. Tapos dinilaan ko siya. Tapos kinindatan niya lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD