LMA 13:

1020 Words
•Yue• Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang hindi pamilyar na daan. Hindi kami dumaan ni Ate Fiona kanina rito kaya naninibago ako sa lugar. Lumingon ako ngunit wala na rin ang mga batang nakasunod at nagtatakbuhan kanina. I sighed deeply and stop walking. Kinuha ko ang phone ko sa bag kong dala, nanlalaki ang mata ko nang makita ang phone ni Ate Fiona na katabi nito. Paano ko matatawagan si ate kung nandito ang phone niya? "Kumpleto ba ang mga baril?" My heart almost stop from beating when I heard that they're talking about guns. Inayos ko ang aking camera at kinunan sila ng litrato. Ilang metro lang ang layo ko sa kanila kaya naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan. "How about the dr*gs?" Napalunok ako at unti-unting umatras nang makuhanan ko ang ibinigay nitong dr*gs sa kausap nito. Kailangan ko nang umalis bago pa nila ako mahuli. "Siguraduhin mong walang makakaalam sa trasaksyon natin na'to." My hand is shaking uncontrollably. I might die here today. Sa nanginginig na kamay ay nag-send ako ng message kay Trayne at dahan-dahang binalikan ang daan ko kanina. Gumapang ako sa kalsada para hindi nila ako makita. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nakita nila ako ngayon. Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang may sanga ng kahoy akong naapakan. "Papatayin lahat ng pwedeng maging sagabal sa plano—sino 'yan?" Naitakip ko ang aking kaliwang kamay sa aking bibig. Muntikan na akong mawalan ng pag-asa nang makita ko ang pangalan ni Trayne na nakatatak sa aking cell phone. Mabuti na lang at naka-silent mood iyon. Sinagot ko ang tawag ni Trayne at unti-unting tumayo. Nanginginig pa ang aking tuhod habang tumatayo, dahil sa pinaghalong kaba at takot. "Sino iyan?!" Muntikan na akong mapatili sa sobrang gulat nang marinig ulit ang sinabi nito. Ramdam ko na ang pagtulo ng luha sa aking mukha, habang naglalakad ako patungo sa kabilang kagubatan. I need to hide, I don't want to die like this. Gusto ko pang magkaroon ng anak kay Trayne. "Help me, Trayne," pagsusumamo ko rito. "Nasaan ka, Yue? Anong nangyari sa'yo—" "Yuhoo! Lumabas ka na. Hindi ka na makakatakas sa amin." "Sino iyon, Yue? Nasaan ka?" "Locate me, please," mahina kong saad at pinatay na ang tawag. I crawl my way to the bushes. "Gusto mo bang maglaro ng tagu-taguan?" Malakas itong tumawa nang sinabi nito iyon. Napalunok ako nang lumapit ito sa pinagtataguan ko. "Isa!" Nayakap ko ang aking tuhod nang bigla nitong hinampas ang dahon ng pinagtataguan ko. Before, I don't want to be called small, but now I'm happy that I was born this way. I can hide wherever I want without them noticing me. "Lady Yue—sino kayo?" Mas nanginig ang kalamnan ko nang marinig ang boses ni Ate Fiona. "Yue? Pwede ba na hanapin mo siya may kailangan kasi kami sa kanya." Nanalangin ako na sana panaginip lang ito. Sana hindi totoo na nasangkot ako sa gulong ito. "Anong kailangan niyo sa amo ko?" Napatakip ako sa aking bibig nang biglang may nagpaputok ng baril. Marahan kong hinubad ang camera at isinabit iyon sa may sanga. Ayaw ko man na iwanan ito dahil nandito ang ibang litrato namin ni Trayne ay wala akong magagawa. Mas kailangan kong protektahan si Ate Fiona. Sana lang ay mabilis na makarating si Trayne rito. Pinahid ko ang aking luha at lumabas na. "Ate Fiona, naman, eh! Why so matagal mo naman akong mahanap?" Napatingin sa akin ang mga lalaking may armas sa gilid ng kanilang bewang at nakakunot-noo. "I was hiding there!" Itinuro ko ang malaking puno na di kalayuan para 'di nila malaman kung nasaan ang camera. "Who are you po?" nakataas-kilay na tanong ko sa lalaking may kulay puting damit. Kinakabahan ako pero hindi ko iyon pwedeng ipahalata. "Why are you looking at like that ba? Kilala niyo ba father ko?" Gagamitin ko lang pangalan ni Tito Zuel. Sa pagkakaalam ko maraming tao itong hinahawakan, kaya marami itong koneksyon sa Australia man o sa ibang bansa. Tumawa naman sila ng malakas at inumang sa akin ang baril. Nakatuon iyon sa noo ko at isang kalabit lang nito tiyak na mawawala na ako sa mundong ito. Ngunit nawala ang kaba ko nang maramdaman ko ang nanginginig na kamay ni Ate Fiona na nakahawak sa akin. Deretsa kong tiningnan sa mata ang lalaking nasa harap ko at binigyan ito ng ngisi. Nakita ko ito sa mga K-drama na pinanuod namin ni Ate Fiona noon. "Wala akong pakialam sa pangalan ng tito—" "Zuel Fontanilla, hindi mo ba siya kilala?" Hindi malapit sa akin si Tito Zuel, pero sa mga kapatid ni papa, si tito lang ang may magandang koneksyon sa amin. Dahil magkaiba ang negosyong hinahawakan nila papa. Nakita ko ang pag-atras niya at ang pagdaan ng kung anong emosyon sa kanyang mata. Ngunit nawala rin iyon at tiningnan ako muli. "Sa tingin mo maniniwala kami sa iyo?" "I can call him right now," saad ko at kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Tatawagan ko lang si papa, alam ko naman na kapag may nangyaring masama sa akin ay palagi itong nand'yan. "But I can't promise your safety after this." Nakita ko ang paglunok niya at tiningnan ang iba niyang kasamahan na naninigas din sa kanilang kinatatayuan. "Siguraduhin mo lang na anak ka ni Zuel Fontanilla, kung hindi ay hahanapin kita at papatayin," saad nito. Nanlilisik pa ang mata nito habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang koneksyon ni Tito Zuel sa kanila, pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nailigtas niya ako ngayon. I'll call dad later. Kailangan ko ang tulong ni Tito Zuel. "Lady Yue, okay lang po ba kayo?" Tumango ako sa tanong ni Ate Fiona at itinuro ang bushes na pinagtataguan ko kanina. "Yue!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Labis ang tuwa ang naramdaman ng aking puso nang makita ko siya na papalapit sa akin. "Are you okay?" Bago pa ako makasagot ay nakaramdam na ako ng sakit ng aking ulo at ang ginaw na dumampi sa aking likuran, bago pa ako bumagsak sa matipunong dibdib nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD