•Trayne• One year later... Napatingin ako kay Apple na may hawak-hawak na mga pagkain, habang papalapit sa akin. Nasa park kami ngayon at nagde-date. Si Apple ang palaging nandiyan sa akin, simula nang na-hospital ako. Hindi ko maalala ang nakaraan ko, pero masaya naman ako dahil nandito ang fiancee ko sa aking tabi. Kahit pakiramdam ko ay may kulang sa akin. Napatingin ako babaeng dumaan sa aming harapan, lalo na at nakita ko ang nanlalaking mata ni Apple. Kinakabahan ito na nakatingin sa babae kaya sinundan ko rin ito ng tingin. Nakasuot ito ng itim na black mini-dress at nakadikit itong mabuti sa kanyang katawan kaya kitang-kita ang kurbada nito. Maitim at tuwid ang kulay itim nitong buhok, halos abot iyon sa kanyang bewang. "Apple, are you okay?" I asked, dahil hindi na maipint

