•Yue• Napangiti ako nang makita si Trayne na maayos at walang mga sugat sa katawan. Nabalitaan ko na nasangkot daw ito sa isang car accident, kaya kahit ayaw ni daddy ay pinilit ko pa rin ito na pabalikin ako sa Pilipinas. Kasama ko si Saffie pero nasa baba ito, dahil ayaw kong magselos ang boyfriend ko. Bago ako umuwi ay sinabi ni Trayne sa akin na gusto niya akong maging girlfriend, kaya sinagot ko na siya kaagad, lalo na at matagal na akong may gusto sa kanya. "Trayne," bati ko rito nang hindi ito umiimik at nanatiling nakatingin lamang sa akin. Sigurado akong nagulat lamang ito at nandito na ako. Akmang yayakapin ko siya nang bigla itong umatras. He only move two steps backward pero pakiramdam ko ay ilang metro na ang inilayo niya sa akin. "Why are you here?" mariin niyang tanong.

