“WOW, NAWALA ka nang halos isang buwan. And now you’re saying that you’re getting married and that you’re pregnant? That was… fast,” gulat na sinabi ni Maggy kay Radha. Pinuntahan siya nito sa opisina niya at niyayang sumama rito sandali. Dahil tapos naman na ang mga gawain niya roon ay nag-undertime na lang siya at sumama na rito. Tutal ay matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita at nakakapag-usap ng kanyang sidekick. Radha was blooming. Kabaliktaran sa nakita ni Maggy na itsura ng babae noong sunduin siya nito at ni Yalena sa mansiyon ng mga McClennan noon. Puno ito ng guilt noon sa nangyari sa kanya. Paulit-ulit nitong sinisi ang sarili kahit na noong panahong naibalik na sa kulungan sa Nevada ang dating live-in partner nito. Pero ngayon ay mukhang maayos na ito.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


