“Sa tingin mo ba, Enzo, hindi na talaga tayo guguluhin pa ni Sophie?” tanong ni Bella sa kanya habang pauwi na sila. Matapos ang panggugulo ni Sophie, agad na niyang sinundan ang asawa sa silid ni Annika. Nadatnan niyang nagkukuwentuhan ang kapatid at asawa. Natutuwa naman siya dahil kahit papano, mukhang magkakasundo ang dalawa. Kilala niya ang kapatid na namimili ng kausap, at mukhang pumasa si Bella sa kapatid. Agad na niyang niyayang umuwi ang asawa para makapagpahinga na ito. Halata niyang pagod na ang asawa sa mga walang tigil na panggugulo ni Sophie sa kanila sa loob lang ng isang araw. Matapos makapagpaalam, agad na silang umuwing mag-asawa. Alam niyang pagod na ang asawa sa dami ng mga ganap sa gabing ito. Hahayaan muna niya itong makapagpahinga mamaya pagdating nila sa b

