Chapter 38: Caught up MIAMOR’s POV “IKAW ang nangunguna sa ratings ng presidential candidates. Inaasahan ng lahat na ikaw nga talaga ang susunod na presidente natin sa bansa. Miamor, sigurado ka na ba sa landas na tinatahak mo ngayon? Sa maikling panahon na nakasama kita ay kilalang-kilala na kita. Ikaw ang tipong babae na ayaw sa magulong buhay, dahil na rin ito kay Meriah,” mahabang sabi niya at ang seryoso pa ng boses niya. Nagkibit-balikat lamang ako. “Marami na ang umaasa sa akin, Gabril. Ngayon pa ba ako aatras? Gayong...gusto ko na ang magiging kapalaran ko,” I said and sipped my drinks. “But what about Meriah? Ang anak mo? You promised her na bibigyan mo ng tahimik na buhay ang bata, Miamor. Alam mo rin na ayoko sa politika. Alam mo ba na kung bakit engineering ang pinakuha sa

