Chapter 41: Poison & failure “YOU okay, honey?” I asked my daughter. Bigla kasi siyang huminto sa pagkain niya at napahawak pa siya sa kanyang tiyan. Nanlalambot din ang katawan niya. Dalawa lang kami ang nasa dining room dahil ako ang naghanda ng breakfast naming dalawa. Wala si Mommy dahil nasa palasyo siya, tapos mamaya ay may ka-meeting ako. Maiiwan na naman dito sa mansion ang baby ko, unless kung pupunta na naman siya sa daddy niya at tatambay sa clinic nito. Kinandong ko siya at sinapo ang pisngi niya. “Baby... Okay ka lang ba?” pag-uulit ko sa tanong ko sa kanya dahil hindi naman niya ako sinagot kanina. Pinagdikit ko ang aming noo at sunod-sunod ang paghinga niya. “Hon...” “I-I’m okay, Momma,” humihingal na sagot niya at nagawa pa niya akong halikan sa pisngi para lang hindi a

