KADAX’s POV Nang maghiwalay ang aming mga labi namin, bumitaw din siya sa batok ko. Nakatingin pa ako sa kaniyang magandang mukha at namumungay na mga mata nang bigla niya akong itulak. Hindi ako handa sa ginawa niya. Dahil ang alam ko ay nagustuhan niya ang ginawa naming dalawa. Natumba ako sa tubig at mabilis naman siyang lumangoy palayo sa akin. Pag-ahon ng kaniyang ulo sa tubig, sumigaw siya sa akin. “Ang boring mo pa lang humalik. Now I know, kaya wala kang girlfriend,” sigaw niya sa akin. Hindi ako kaagad nakapagsalita. Hindi ko alam kung mas masakit ang pagkakatumba ko sa tubig o ang sinabi niya. Balewala lang ba sa kaniya ang ginawa naming halikan? Ang sakit ng kaniyang sinabi. Parang kulang pa ang p*********i ko. “Wala ka sa mga girlfriend ko, expert silang magsihalik dah

