VIA’s POV “Ang pangalan ko ay Via,” para akong bata na kinakabisado ang pangalan ko. Hindi ako sanay na Via ang tawag sa akin. Mas gusto ko ang Val, initials ko ito. Pero hindi puwede dahil kay lolo. Tunog lalaki raw, e iyon nga ang purpose no'n. Iba rin ang paniniwala ni lolo, makaluma. Ngayon ang mga magulang o kaya mga lolo at Lola, kapag wala silang anak na lalaki, ginagawang lalaki ang babae. At kapag babae naman, ginagawang lalaki. Gusto raw niya na dumami ang lahi namin. Kung mag-aasawa ako, maiiba naman ang apelyido ko. Hindi ko pa rin madadala ang last name namin. Mas okay nga na mag-asawa ako ng babae tapos mag-ampon kami. At sa akin ko isusunod ang apelyido. Puwedeng dumami ang lahi namin lalo na at lalaking bata ang ma-adopt ko kasama ang sinumang makakasama ko sa pagtand

