VIA’s POV Natatawa pa rin ako kay Manang Perla, hanggang sa pagliligpit ng mga pinagkainan ay pilit niyang iniisip ang ipapangalan sa love team daw namin ni Kadax. Akala ko nga, pati si Lolo ay hihingian niya ng ideya. Dahil lahat ng katulong na lumapit, iyon ang tanong niya. Ayaw naman niya at wala siyang nagustuhan ni isa sa kanila. Sabay kaming naghugas ng kamay ni Kadax. “Pupunta na ba tayo sa lugar na sinasabi mo?” Mukhang excited siya sa sinabi kong lugar na pupuntahan namin. Pero alam kong magugustuhan niya roon. “Mag-ready muna tayo. Pagkatapos natin mag-shower, saka tayo pupunta roon.” “Sabay tayong maliligo?” Hindi ako sigurado kung nagpapatawa o nagpapa-cute siya sa akin. Alam naman niya na hindi kami puwedeng magsabay. “Gusto mong hindi ka makauwi kapag nangyari ang

