NANIGAS sa kinauupuan niya si Ataska. "A-anong ginagawa mo?" Instead na sumagot, umangat ang sulok ng mga labi ni Fletcher na parang sinasabing "This is what you asked for, right?" . . TULUYAN ng naestatwa at hindi nakagalaw si Ataska sa kinauupuan nang mahubad ni Fletcher ang long sleeves polo nito at tumambad sa kaniya ang katawan ng lalaki. Ang masama pa, para siyang nahypnotized. Awang ang mga labi at hindi maialis ang mga mata sa exposed na katawan nito. She gazed upon his scarred body. At tulad ng ilang beses na niyang nakita ang lalaki na walang saplot na pang-itaas... there was this urge to touch him, to feel him and trace those scars with her fingertips. Hindi maintindihan ni Ataska bakit ganito ang epekto ng mga pilat ni Fletcher sa kaniya... it really turned her on. Kahit

