Amoy na amoy ni Ataska ang mabangong hininga ni Sir Fletcher. Ramdam niya ang init niyon na tumatama sa kaniyang balat.
Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Para bang pakiramdam niya mag-cocollapse siya, na hindi niya maintindihan.
At muli napansin niyang dumapo na naman ang mga mata ni Fletcher sa kaniyang labi.
Nakagat niya ang ibabang labi paraan upang kalmahin ang nagwalwalang paru-paro sa kaniyang sikmura. Ngayon napatunayan na niyang hindi guni-guni ang mga pagsulyap nito noong nasa Dean's office sila. hindi na 'to panaginip!
Pasimple sumagap ng hangin ng hangin si Ataska. Parang mapupugno ang hininga niya sa lapit ng katawan nila. "A-ah, S-sir..." mahinang niyang sambit na mas siya lang yata ang nakarinig.
Ayaw niyang mag-assume, pero naramdaman niya ang bahagyang pagdiin ng mga daliri nitong nakahapit sa kaniyang beywang. Dahilan para makaramdam siya ng kakaibang init na dumaloy sa katawan.
"Don't do that again..." banayad na babala nito. Ang mga mga mata'y hindi inaalis sa labi niya.
Ha? Ang alin?
Bago pa man niya maisatinig ang nasa isipan. Tila napapaso silang kumalas sa bisig ng isa't isa sa pagpasok ng mga estudyante sa classroom. Nagmamadali namang tinungo ni Ataska ang silya niya.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Elena nang maupo sa tabi niya.
"H-ha? A-anong nangyari... sinasabi mo?" Naghalungkat siya sa loob ng bag. Para itago ang mukhang pulang-pula.
"Sobrang pula kaya ng mukha mo," Si Margaux na siyang sumagot.
"H-hindi naman, ah!" defensive na tanggi niyang hindi makatingin sa mga kaibigan.
"Hindi daw!" Hinawi ni Elena sa buhok niya at inipit sa mga palad nito ang magkabilang pisngi niya. "Ayan, oh! Kulay kamatis ka!"
Iniwas niya ang mukha sa ang kamay ng babae. "U-uy, teka nga-" sa sulok ng mga mata ang napansin niya ang grupo nina Finn sa silid. Agad ang matalim na tinging ipinukol ng lalaki sa kaniya.
Siniko siya ni Elena. "Huy, ang sama ng tingin sa'yo ni, Finn."
"Oo nga, have you to talk to him?" sang-ayon Margaux.
Marahan siyang tumango-tango.
"So, what happened?"
Pinagsalitan niya ang tingin sa mga kaibigan at nakagat ang ibabang labi. Bumalong ang pag-aalala sa mga mata. "Mga sis... nasampal ko siya..."
Unti-unting namilog ang mata ng mga ito.
Sabay malakas na bulaslas. "WHAT!!"
"Bakit mo ginawa 'yon!?" Nasapak ni Margaux ang sariling noo.
Naiiling na dumikwatro naman si Elena. "Be ready... you're gonna see hell..."
Napangiwi si Ataska at hindi sinasadya napatingin siya kay Fletcher na nakaupo na sa table nito at muli nagtama ang mga mata nila.
Bakit ba nasangkot ako sa kalokohan na 'to!
¤¤¤¤
LAGLAG ang balikat ni Ataska habang naglalakad sila sa pathway palabas ng university. Kagagaling lang nila sa registrar. Pinatawag kasi siya after class dahil sa balanced na hindi pa niya nababayaran mula pa last semester. Hindi kasi kasama sa sponsorship ang misc. fee na malaki-laki ring halaga kaya nahihirapan siyang bayaran ng buo. Kulang pa kasi sa upa ng bahay at mga bills maging allowance niya ang kinikita sa mga raket at part time. Tuloy nadagdagan pa ang mga isipin niya.
"Uy!" Pukaw ni Margaux sa atensyon niya. "Ano ba nangyayari sa'yo? Kaninang umaga wala ka sa sarili ngayon naman para kang namatayan."
Hindi kasi niya naikwento sa mga 'to ang pagkakahapit ni Fletcher sa beywang niya kanina. Baka kung ano pang isipin ng dalawa. Ayaw nga niyang dungisan ang malinis na pagtingin ng mga estudyante sa professor.
Kumapit sa braso niya si Elena. "Oo nga! Tsaka 'di mo na,ikuwento sa'min bakit mo nasampal si Finn!"
Tumango-tango si Margaux. "At nakakapagtaka... bakit hindi ka niya kinonpronta about it? Knowing the bad boy..."
Elena taps her fingertip on her chin. "Maybe... nag-iisip pa siya ng paraan, how to make your life a living hell... tulad dun sa ginawa niya sa isang student last sem na naikwento ko sa inyo."
Marahas na napabuntong-hininga si Ataska
Mag-ooverload na yata ang utak niya. "I don't know what to do, guys..." anya at napahilot sa sintido.
"Eh, bakit ka kasi pumayag kay, Sir? Ang lakas mo din magpakadakila..." Si Elena.
"He just want to help his brother... at nakikita ko yung concern niya para kay Finn... alam niyo naman pangarap ko ang magkaroon ng kapatid... somehow, it touched my heart," mahinang usal niya.
Margaux rolled her eyes. "At tingin mo ikaw ang makakatulong sa kaniya? Aska, alam naman nating anak ni Lucifer si Finn... sa ginawa mo nag ala drag me to hell ka!"
Hindi siya umiimik. May punto naman kasi ang sinabi nito.
Talaga lang 'di siya makatanggi sa nangangailangn lalo na't si Fletcher pa na ultimate crush niya.
"Alam mo yan ang hirap sa'yo, Aska... masyado kang mabait. Ang makakatulong kay Finn ipasok siya sa seminaryo at maligo ng holy water araw-araw... baka may himalang mangyari."
Tumaas naman ang kilay ni Margaux at bumaling ang tingin sa nagsalitang si Elena. "Yeah, right! Masyadong mabait si Ataska, kaya nga naging friend ka namin na sugo din kadiliman."
Pinitik ni Elena ang ilong ni Margaux. "Aba, ang yabang nito, ah!"
Agad na hinawa nito ang kamay ng babae. "Ouch!! Don't touch my nose! Slut!"
Elena laughed hysterically. "Fake kasi!"
Napahilot na naman si Ataska sa sintido. Sumasakit lalo ulo niya sa dalawang 'to.
"Girls, girls... tama na... hindi nakakatulong 'yan.."
Tumigil naman ang dalawa na parehong nanghahaba ang nguso at bubulong-bulong.
"Ito kasing Marg---" natigilan si Elena sa nais sabihin at napatulala sa dulo ng hallway.
Nang sundan iyon ng tingin ni Ataska. Namilog ang mga mata niya. Nakaharang kasi si Finn at ang mga kasamahan nito sa daraanan nila. Seryoso ang mga itsura at mukhang sila talaga ang inaatay.
"Ataska..." nahihintakutang kumapit na rin sa braso niya si Margaux. "Patay..."
Huminga siya ng malalim. Sa kaniya lang galit ang lalaking 'to. Bakit niya idadamay ang mga kaibigan.
Inalis niya ang pagkakakapit ng dalawa sa kaniyang braso. "Mauna na kayo... dun kayo sa likod dumaan---"
"No! 'Di ka namin iiwan!" agaw ni Elena sa sasabihin niya. "Nu ka ba! Sa dami ng mga 'yan! 'Di mo kakayanin kapag na-gang rape ka, dapat may kapalitan ka! And I'm willing to sacrifice myself!"
Lukot ang mukhang napatingin sila dito ni Margaux.
"Kayo naman... nag magandang loob na nga akong kapalitan..."
Umiling-iling si Ataska. "Sige na girls, mauna na kayo... impossible namang gawan ako ng masama ng mga 'yan. Nasa campus tayo---"
"HEY!!!" Malakas na sigaw ni Finn. "YOU!!!" Sabay duro ng lalaki at nagsimula ng maglakad papunta sa kinatatayuan nila.
"Ataska..." mahinang yugyog ni Margaux sa braso niya. "Ayan na sila...."
Hindi. Walang gagawing masama 'tong mga kumag na 'to! Impossible! Takot lang nila may CCTV dito sa campus. Pagpapalakas loob niya sa sarili.
Ngunit muling namilog ang mga mata nila nang maglabas ng baseball bat ang dalawa nitong kasamahan at paghahambalusin ang CCTV na madaanan hanggang sa magkadurog-durog.
"Goshhh!!!" impit na tili ni Elena.
Ngumisi naman si Finn na sampung hakbang ang layo sa kanila.
"Feeling scared, huh? you'll regret that you slapped me, little snow white," matalim na usal nito at sinenyasan ang mga kasamahan na nag-singisi at pinaikot-ikot ang hawak na baseball bat.
"Ano, bro? Sino uunahin namin d'yan?" tanong ng lalaking may magkabilang itim na tunnel piercing sa tenga.
"'Yung nasa gitna dalhin niyo sa'kin," utos nito.
Dahan-dahan silang umatras.
"Ataska... anong gagawin natin.." bulong ni Elena sa kaniya.
'Di pwede madamay ang mga kaibigan niya. Siya lang ang may atraso dito. Kung atraso ngang maituturing iyon.
Pinatatag niya ang tinig. "A-ako lang ang kailangan mo di ba?"
"Uy! Aska ano ka ba!" Mahinang asik ni Margaux ngunit di niya pinakinggan.
"Let my friends go!"
"Aska!!" Panabay na saway ng dalawa sa kaniya.
"Whoooaaa! Whoaaaa!"
"May tinatago pa lang tapang si snow white!"
"Yan ang gusto ko namin sa babae palaban!"
Maingay na kantyaw ng mga kasamahan nito at nagtawanan.
Finn raised one finger, upang patahimikin ang mga kaibigan nito.
"I'll let them go... if you strip all your clothes, and kneeled down then lick the floor."
Nagsigawan ang mga kasamahan nito.
"Strip! Strip! Strip!"
Nag-init ang mukha ni Ataska at kumulo ang dugo. Talagang bastos ang bibig ng lalaking 'to.
Akala siguro lahat ng tao takot sa kaniya.
Kuyom ang kamao na tinitigan niya ito ng masama.
"Aska! Wag mo ng patulan, lalo tayong malilintikan!" hatak ni elena sa braso niya.
"Did you hear what I said, dirt poor? Oh, you did'nt understand english?" Tumaas ang sulok ng mga labi nito, nanadya. Talagang ginagalit siya. "Ang sabi ko maghubad ka at dilaan mo ang sahig! Bago ko paalisin ang mga kaibigan mo, naintidihan mo, pulubi?"
Nagtawanan na naman ang mga kasamahan at pinag-cheer pa ang lalaki.
"Finn! Finn! Finn!"
Lalong namang naningkit ang mga mata ni Ataska.
Sobra na talaga ang lalaking 'to! Daig pa ang batang hamog sa kabastusan ng bibig.
Umiling-iling siya. "You know what? Hindi ako papatol sa katulad mo. Hindi ko sasayangin ang pangalan ko sa listahan papuntang langit. Hindi ko aakasayahin ang oras at panahon ko sa mga laro mong worthless. I pity you Finn Wolfhard, dahil mukhang sa ganyang gawain na lang umiikot ang buhay mo. But It's never too late na magbago baka masagip pa ang kaluluwa mong ngayon pa lang nasusunog na sa impyerno," hinihingal na usal ni Ataska sa pagmamadaling masabi ang lahat ng nasa isip niya.
Hindi niya akalain, kaya pala niyang magsalita ng ganoon. Siya bilang malumanay at palaging hinahanap ng good side ang isang tao kahit man ito kasama. Pero mukhang exempted doon si Finn! Dahil ito lang ang taong nakakapagpalabas ng kumukulong galit sa loob niya!
"Whooooa! Whooaa!"
"Roasted!"
Kantyaw ng mga kaibigan nito na ikinapula ng mukha ni Finn dahil matinding galit.
"WHAT DID YOU SAY, DIRT POOR!!! Malakas na sigaw nitong dumagundong sa hallway na walang katao-tao.
"Aska, shit... ginalit mo ng sobra..." bulong ni Elena.
Napakagat labi siya. Patay... nasobrahan yata ang bibig niya.
"YOU'LL PAY FOR WHAT YOU'VE SAID, YOU w***e!!!" Sinenyasan nito ang mga kasamahan at nanlaki ang mga mata nila nang magsisugod ang mga ito papunta sa kanila.
"AHHHHHH!!!" Tili ni Elena at Marguax sabay hatak sa kaniya at kumaripas sila ng takbo.
"RUN!!! RUN!!!" Malakas na sigaw ni Finn. Naririnig nila ang tawanan ng mga ito at mabilis na yabag ng mga paa, pahabol sa kanila.
"We're gonna get you!!" Malakas na sigaw ng isa pang lalaki.
"s**t! Ataska!! Bilis!!" Hila-hila ni Elena ang kamay niya.
Nangalaglag na ang mga gamit niya ngunit di na pinagkaabalahan pang pulutin iyon ni Ataska. Ang mahalaga malayo sila at hindi maabutan ng grupo.
"Ahhhh! Gosh!" Tili ni Elena na kahit naka-heels nauuna pa sa kanila ni Margaux timukbo. "A-ayan na sila!!"
"K-keep running!!" Habol hininga ni Margaux.
"TAKBO! TAKBO PA!! MALAPIT NA KAMI! HAHAHA!" Dumaguntong ang mala-punyetang tawanan ng mga lalaki.
"God! Oh, gosh!!! Sirang-sira na ang heels ko!!"
"Letse! Elena ngayon mo pa inisip 'yan!!"
Hanggang sa ganitong eksena nagtatalo pa din ang dalawa.
"Girls, tama na yan!!" Palingon-lingon sa likuran na saway niya sa dalawa. "They're coming!!"
Sakto namang nasa open space parking lot na sila at natanawan ang kotse ni Margaux.
"My car!! My car! Goddd!!"
"Konti na lang!!!" Tili ni Elena.
Muling sumulyap si Ataska sa likuran na siyang nahuhuli sa tatlo.
At namilog ang mga mata ng makitang nasa na likod na niya ang isang lalaki. Dahilan para hindi niya makita ang nakausling bato at matapilok siya masadsad sa lupa.
"Huli ka!"
Napahinto ang dalawang kaibigan sa pagtakbo at nanlaki ang mga mata.
"ATASKAAAAA!!"