"Ineng, masama ba ang pakiramdam mo?" Nag-angat ng paningin ni Ataska mula sa nililigpit na hapagkainan. Kakatapos lang nilang mananghalian. Nasa likod bahay si Lita, pinapakain sina Beauty at Beast kaya siya ang tumulong kay Nanay Rosa. "Ayos lang po ako, Nay Rosa." Nag-aalalang pinagmasdan siya ni Nanay Rosa. "Ilang araw ko nang napapansing namumutla ka at palaging matamlay. Kung may dinaramdam ka, anak. Magsabi ka agad kay Fletcher para mapatingnan ka sa bayan." Nitong mga nakaraang linggo palagi nang naliligalig si Ataska, hindi siya makatulog at napaparanoid ng dahil kay Melissa. Iniisip niya paano kung bigla dumating ang babae? balikan si Fletcher at hindi na pakawalan ulit? Paano iyon tatanggapin ng puso niya? She's on the verge of leaving and staying. Gusto niyang umalis, dahi

