Nagpalitan sila ng mga kaibigan ng numero pati ng social media. Mga sigurista. Inaalam rin kung saan sila tumutuloy. Sinabi naman niyang sa isla at inimbitahang pumunta doon ang dalawa. Pumayag naman ang mga ito at hihingi raw ng leave sa pinagtatrabahuan. Humimpil ang sasakyan nila sa tapat ng maindoor ng Mansyon. Pagkatapos magpaalaman dumiretso sila sa ng uwi. Maliwanag na maliwanag ang buong kabahayanan na naabutan nila. Bukas lahat ang ilaw sa mga lamp post mula sa gata hanggang sa gilid ng pataas na driveway, maging ang nasa front yard at garden. Siguradong nalulungkot na naman si Mama Ida. Isa 'yon sa napansin niya sa mother in law. Whenever she feels sad or depressed. Gusto nito ang maliwalas at maliwanag na lugar, siguro'y nakakasakal para dito ang madilim na kapaligiran. "Ang

