WALANG SAPLOT na magkayap sa kama sina Ataska at Fletcher. Humupa na ang init ng katawan at nanumbalik sa normal ang paghinga ng dalawa. What happened earlier was the sweetest and passionate making love they've ever had. Iba na ang mga titigan nila, ang mga halik ay wala ng hesitasyon, ang mga haplos ay puno ng suyo. At malayang naipapahayag ang tunay na damdamin. Hindi lang ang katawan nila ang naging isa, maging ang puso at kaluluwa. Dahil pareho na nilang pinalaya ang mga sarili sa madilim na nakaraan. Nag-angat ng mukha si Ataska na nakaunan ang ulo sa braso ni Fletcher. Nakapatong ang hita niya sa hita nito habang nakayakap ang bisig nito sa hubad niyang katawan. Gustong-gusto niya ang ganitong posisyon nila. Sweet at intimate. Tinititigan niya ito nang mapansin ng lalaki ang mal

