A/N: Natutuwa ako sa mga comment niyo. May mga G na G. Mayroon namang naiintindihan yung sitwasyon ni Ataska. And some confused and neutral. Don't you worry, marami pang mangyayari.. . . PINAGSALIKOP ni Doctor Jacob ang mga kamay sa ibabaw ng desk. Sa harapan nito nakaupo sina Ataska at Fletcher. Kasalukuyang nasa opisina ng doctor ang tatlo. "I assumed nakabuo na kayo desisyon?" Tanong ni Jacob na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. Tumango si Ataska habang si Fletcher naman ang sumagot sa tanong ng doctor. "Napagpasyahan naming sundin ang payo mo." Umayos ng upo si Jacob. "You mean?" Tinuro nito sina Ataska at Fletcher saka pinagdikit ang dalawang daliri. "You two-" "Oo." Kunot-noong agaw ni Fletcher sa sinasabi ng doctor. Pinamulahan ng mukha si Ataska. Base sa ekspresyon ng

