LAKAD-TAKBO ang ginawang pagsunod ni Ataska kay Finn papasok sa loob ng mall. Kanina sa byahe ilang beses siyang nagtanong kung saan ba siya nito balak dalhin, pero puro pabalang na sagot ang binibigay sa kaniya ng lalaki. Nakakainis. Wala naman siyang choice kundi sumunod! "Ano bang gagawin natin dito?" Tanong niya nang huminto sila sa hile-hilerang mamahaling damit at sapatos. Inikot niya ang paningin sa malawak na lady's section. Lahat ng sales clerk na babae at ilang mga nakakasalubong nila'y hindi maiwasang mag-double look kay Finn. Well, she can't deny he got the looks but only the looks. Dahil kung ugali ang pagbabasehan? Siguradong taon-taon repeater ang lalaking 'to sa subject na GMRC. Nakasimangot na pumihit si Finn paharap sa kaniya. "Low IQ ka ba talaga? Sa tingin mo anong

