Tulad ng sinabi ni Finn noong makausap niya ang lalaki. Saktong alas-sais ng umaga nasa parking lot na sila ni Elena ng university. Hindi na dinala ng kaibigan ang sasakyan nito dahil di pa daw sanay ang babae sa malayuang biyahe bago pa lang kasing nagmamaneho at minabuti ni Atakas na ito na lang pakiusapan na sumama sa kaniya, sa totoo lamg 'di nga niya pinakusapan ang babae no'ng sinabi niyang si Finn ang nagyaya mabilis pa sa alas kwarto at walang pagdadalawang isip na pumayag. "Ang tagal naman nila! Ang bigat-bigat nitong mga bitbit natin, eh!" maktol nitong napapakamot sa pisngi. Paano ba namang hindi ito mabibigatan? Daig pa ang magbabaskayon ng isang buwan sa dami ng bitbit. May dalawang sports bag na nakasukbit sa magkabilang balikat habang may maleta pa sa tabi nito. "Sobra

