Nalukot ang mukha ni Ataska ng matanawan sa parking lot ang kotse ni Finn. Nakalulan ang lalaki sa loob at tila busy sa pagdutdot sa cellphone nito. Saan naman kaya ako dadalhin ng lalaking 'to? Kinapa niya sa bulsa ang nakasukbit na bag sa kaniyang balikat. Thank god! Naroon pa ang pepper mint spray niya. Mabuti ng maingat at may pang-self defense siya kung sakali mang may gawing kalokohan si Finn. Actually marami-rami namang tumatakbo sa isipan niya na pwedeng panlaban sa lalaki if ever na lapastanganin siya nito... Morbid na kung morbid, pero maari niya itong tusukin ng ballpen sa mata, hampasin ng stapler sa ulo at tuhurin sa balls kung sakaling gamitan siya ng lakas. Kaya mo kayang gawin iyon, huh, Ataska? Sa laki ng kumag na 'yon isang balibag ka lang kung nanaisin niya. Natigil

