When we are laughing ay napapatingin siya sa ‘kin kaya tinataasan ko siya ng kilay. Itong lalaking ‘to habang tumatanda ay nagiging irritable. Ganiyan yata kapag walang girlfriend. Ang laki talaga ng impact ng pagmamahal sa buhay ng tao. Merong nagbabago ka o mas nagiging masaya ka habang may buhay sa mundong ‘to. ‘Yong tipong makakasama mo siya sa araw- araw. *** Kinagabihan ay napagod ako sa kakatrabaho ng mabuti. Hindi ko rin pinalampas ang araw na hindi nababasa ang binigay sa ‘kin na proposal. May mga parte ng proposal niya na hindi madaling gawin at tapos may butas. Kaya ayon pinaulit ko sa kaniya. Ewan ko lang kung ano ang ma say ng iba, pero sa pagkakaalam ko ay meron ding nagbigay ng suhestyon sa kanya. It’s fine as long she is learning, mas mabuti ‘yong madaming nagbibigay sa

