Parang nawalan ang leeg ko ng lakas para alalayan ang ulo ko dahil sa paglapat ng labi niya sa batok ko. Napahawak ako sa kamay niyang nakapulupot sa beywang ko. Hinaplos ko ito at nilubos ang mga sandaling hawak niya pa ako. He kissed my neck, licking it. Napatikom ako ng bibig para namnamin ito. Napamura ako sa isip ko. “You ready?” he asked using his sexy voice. Nanuot ito sa loob ko. Bumukas ang mga mata kong muntikan ng malunod sa mga halik niya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Gagawin na ba namin ngayona ng sinabi niya? Ngayon na? Nanlaki ang mga mata ko habang hawak siya. “Oo, Anton. Handang- handa na ako,” sagot ko sa kaniya. Matamis akong ngumiti. Hinubad niya ang kaniyang braso sa beywang ko saka iniwan ang isa. Pumunta siya sa gilid ko. Kumunot ang noo ko. “Let’s go, Carm

