"Nagulat lang ako." Patago akong ngumiti. Masaya ako na mukhang hindi naman siya 'yong masamang boss. Sa 'kin lang yata siya naging masama. So ayon nga. While he is working at nilibot ako ng babaeng manager. Ayaw niya kasi na Secretary niya ang gumawa. Naitanong ko sa kaniya kung mabait ba na boss si Anton, sabi niya, oo daw sobra. Syempre hindi ako makapaniwala kaya nagtanong pa ako sa iba at iisa lang ang sinabi nila. Napahanga na lang ako. Nag- lunch kaming dalawa sa loob ng opisina niya. Ang sarap ng luto. Napagalaman ko na may chef sila dito. After naming kumain ay pinakita niya sa 'kin ang napakagandang view ng nga building sa kabila, mula sa glass wall. Ang taray 'di ba? Niyakap niya ako mula sa likuran at pinugpog ng halik ang balikat ko. Hinawakan ko ang brasong nakapulopo

