Anton's POV Ilang araw na ang nakalipas magmula nang magpunta si Ben sa bahay na lasing. Hindi na siya nagpakita sa 'kin. Tinatawagan ko siya para sana kausapin pero hindi niya rin sinasagot. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung sinabi niya kay Carmelita ang nalalaman niya. Magkaibigan kami 'di ba? Hindi niya kayang gawin 'yon sa 'kin kahit na may gusto siya sa girlfriend ko. Napahilamos ako ng mga palad habang nasa opisina ko. Nakapatong ang mga siko ko sa taas ng mesa. Napagod ako sa mga ginagawa. Napaangat ako ng tingin matapos makarinig ng pagkatok mula sa pintuan. I saw my secretary. "Excuse me, sir. Mrs. De Vera is here to talk to you, papapasokin ko po ba?" tanong niya. Huminga ako ng malalim saka umayos ng upo. I have to act like a cool man. Walang tinatago sa kaniy

