Carmelita's POV Habang nagluluto ako ay nakarinig ako ng sunod- sunod nangpagtunog ng doorbell. Kumunot ang noo ko at pinahinaan ang apoy ng niluluto ko at baka masunog. Hindi ko mapigilang magtaka kung sino ang nasa labas dahil sigurado naman ako na nasa opisina si Anton. Napatingin ako sa orasan habang naglalakad palabas. 4PM pa lang. 6 pa umuuwi si Anton. "Baka maaga siyang umuwi," bulong ko sa sarili. Nagpunas ako ng kamay sa suot kong apron. Pagbukas ko ng pintuan ay napaawang ang mga labi ko nang makitang hindi si Anton ang nasa harapan ko. "B-Ben," sambit ko. I roamed my eyes outside the door. Nagbabakasakali ako na andito si Anton na kasama siya pero wala, "Kasama mo si Anton?" tanong ko. Napalunok ako nang makitang namumula ang kaniyang mukha. Napapapikit ang kaniyang mga

