Pagdating ko sa bahay ay bumungad sa ‘kin ang matiim na titig ni Anton. Nakaupo siya sa armrest ng sofa at walang suot na pang- itaas, magulo ang buhok at tila ay kanina pa naghihintay. Napaayos ako ng tayo at itinago ang kamay ko sa likuran ko. I pinched my fingers. Parang bumigat bigla ang mga hakbang ko habang papalapit sa kaniya. I roamed my eyes, wala na ba ‘yong babae? “Where are you from, Carmelita?” tanong niya gamit ang kaniyang malalim na boses at tila ay nagtitimpi lamang na ‘wag magalit sa ‘kin. Napakagat ako ng ibabang labi dahil sa pangingilabot. Tumayo siya at hinakbang ang mga paa niya patungo sa ‘kin. Huminto ako sa paglalakad, kumabog ng malakas ang dibdib ko. “Ah--sa labas lang, A-Anton, may binili lang sandali,” sagot ko sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang boses kong m

