Sa mga sumunod na araw ay laging lasing na kung umuwi si Anton galing trabaho. Kung hindi siya lasing meron siyang babaeng kasamang umuwi. Agad ko siyang hinila papasok ng bahay. Hindi ko maintindihan kung ganito ba talaga ang buhay niya no’ng wala pa ako dito. Nakakainis na gabi- gabing naririnig ang mga ungol ng mga babae sa kabilang kwarto at ako ay parang babaeng gusto na rin makisalo. Ilang beses kong tinangkang komprontahin siya pero natatakot ako na baka magalit siya sa ‘kin at ibalik niya ako sa lugar na ‘yon. Wala na akong balita sa kanila, kahit isang impormasyon ay wala. “Bakit ka na naman ba lasing?!” malakas kong tanong at tinapon siya sa couch. Napakagat ako ng mga daliri nang sumubsob ang kaniyang mukha sa couch. Siguro hindi niya naman malalaman ‘yon kasi lasing na lasing

