"Okay lang 'yan, gustong- gusto ko namang gawin 'to sa 'yo, e." Hinayaan ko na lang siya. Para siyang huwarang asawa. I love the way she take care of me. Pinaupo niya ako sa upuan, "Gusto kong tumulong sa 'yo," angil ko. Umiling siya habang nakatikom ang bibig. Huminga ako ng malalim. "Nagmamarunong ka na kaninang umaga, 'wag mo nang dagdagan," sabi niya at pigil ang tawa. Sumandal ako sa upuan at pinag- ekis ang aking mga braso sa dibdib, "My baby is bullying me. Damn it." I uttered irritatedly. Masama ko siyang tinitigan. Narinig ko ang pagtawa niya ng malakas. "Nagsasabi lang ako ng totoo. Ito na ba ang mga pinamili mo? Bakit ang dami? May grapes pa?" pagtataka niyang tanong. "Yeah, one week nating budget for fruits," I replied. Kumuha siya ng dalawang apple at ilang malilii

