“CONGRATULATIONS and best wishes,” mapait na sambit niya matapos ilapag ni Nicholo si Gracie sa kama. Mula kasi nang matapos sila ni Lawin na mag-debriefing at ipakita rito ang loob at labas ng bahay at paligid niyon ay nakipaglaro at nakipag-usap na si Gracie rito sa paboritong spot ng pamangkin niya sa likod ng bahay. Ngumiti si Katarine kay Nicholo nang pumasok ito sa kuwarto ni Gracie para magpaalam sa pamangkin niya. Gracie seemed to take everything easy. Marahil ay naipaliwanag naman nang maayos ni Nicholo ang sitwasyon nila. Iyon nga lang, she’s not quite sure whether or not Gracie knew who her real father is. Pero gaya nga ng sinabi dati ni Dylan, alam talaga ni Gracie na ang nakalakhan na si Charles ang tunay nitong ama. But still, she is quite confused if Gracie really never do

