CHAPTER 23

2858 Words

NAGING mabilis ang pagbiyahe nina Nicholo at ng magtiya na sina Katarine at Gracie palabas ng Maynila. Palibhasa ay madaling-araw pa lamang kaya naman wala pang gaanong traffic palabas ng Maynila. “Ako na lang ang bibili ng mga kailangan mo mamaya,” tanggi niya kay Katarine nang magsabi ito na dumaan na muna sila sa supermarket para mamili ng mga kakailanganin nilang gamit at pagkain sa bahay nito. Hindi niya ito maaaring iwan sa sasakyan kasama si Gracie habang natutulog ang bata lalo at hindi naman siya pamilyar sa lugar na kinaroroonan nila ngayon. Hindi na lang nakipag-argumento pa sa kaniya ang dalaga dahil alam nitong gusto niya lang protektahan ang dalaga at si Gracie. Batid rin naman kasi nito ang kinahaharapang panganib lalo at hindi nito alam kung sino ba talaga ang nasa liko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD