Chapter 42 "Nakakahiya kay Sir Ricky at sa ibang nandoon na baka nakita tayo! Ang dami pa namang bata roon!" "Bakit sa kanya, tumatawa ka nang ganoon? Ang daya mo. Ang unfair. Bakit sa akin, ang mahal na ng tawa mo?" Pareho kaming nakaangil na nag-uusap habang nagmamaneho siya tungo sa Buen Capital Community College. Parehong bukas ang bintana sa side namin. Ang kanyang kaliwang braso ay nakapatong sa bintana habang isa lang ang gamit na kamay sa manibela. "May sinabi siyang nakatatawa kaya natawa ako. Alangan namang tumawa ako dahil wala lang? Mukha naman akong tanga no'n!" His adam's apple bobbled and his bottom lip projected lightly. "Bakit ako? Tumatawa kaya ako nang walang dahilan." My brows wrinkled as I observed him. He feigned a cough before releasing a series of ha-ha unt

