Chapter 28 Almost a week had passed after that embarrassing moment in Echo's house. Malapit na raw ang Intramurals nila kaya abala na rin siya sa pagpa-practice. I understand that. Na-suspend naman ang pagpunta sana namin sa rest house na iniregalo sa amin ni Kuya dahil may academic matters na kailangang attend-an si Claudia noong weekend. Katatapos lang ng reporting namin ngayon kaya nakahinga na rin ako nang maluwag. Mabuti na lang at nag-participate lahat ng kagrupo ko. Noon kasi, kapag puro lalaki ang kasama ko sa grupo, halos ako ang gumagawa ng kailangang gawin. Hindi sila kikilos hangga't hindi pupukpukin. "Galing mo magsalita sa harap, Eona!" Ngumiti si Ram nang sabihin iyon. "Para kang nagpe-present sa isang board meeting." Bahagya akong humalakhak. "Salamat. Kayo rin. Good jo

