Chapter 11

3236 Words
Chapter 11 Nayanig ang mundo ko sa narinig. My hands went cold and there were forming beads of sweat on my forehead. Video. Hearing just that word with my name, I feel so disgusted. "Tama! Ikaw 'yon, e. O baka kamukha mo lang?" My legs trembled. Napahawak ako sa mesa sa gilid ko bilang suporta. Hinihingal ako kahit na hindi naman ako nakipagkarera. Nilingon ko ang aming prof na nakahalukipkip at nakatingin sa estudyante. "M-Ma'am—" May bumatok sa nagsalita sabay sabing, "Bobo! Hindi siya 'yon! Kaklase 'yon ng kapatid ko!" Tumawa ang nasa harapan ko at nginitian ako. "Ay, sorry, Eona. Akala ko ikaw 'yong nagti-t****k. Sine-send lang kasi sa group chat namin 'yong video no'n." Somehow, I'm relieved that he had just mistook me of someone. Ibang tao at ibang video. Ngumisi lang ako at nagmadali nang pumunta sa puwesto habang nakayuko. Kahit hindi naman ako ang tinutukoy ay hindi pa rin ako mapalagay. Siguro ay dahil sa sinabi niyang may sine-send na video ng kung sa kanilang gc. Nagiging paranoid na siguro ako sa ganitong bagay dahil sa nangyari. Lumingon sa akin ang nakaupo sa harapan ko. "Alam mo... kamukha mo 'yong naging kaklase ko dati. Kaapelyido mo rin. Kambal ba kayo?" "Sinong kaklase?" Kahit mukhang alam ko na. "Si Claudia? Claudia Lois Mercado." "She's my twin." Namilog ang mga mata niya at lumingon pa ang mga katabi niya. "Sabi ko na, e!" "Kilala mo, Sharee?" tanong ng nasa kaliwa niya. "Oo, gagi! Kambal niya si Claudia Mercado! You know? The Reverend's daughter!" Kumunot ang noo ko sa kanya. Napatitig naman sa akin ang kausap niya. "Hala! Oo nga, 'no? Ba't ngayon ko lang napansin? Pucha, ang astig! Ngayon lang ako nakakita ng kambal na magkamukhang-magkamukha!" After that subject, wala nang pumasok na prof sa sumunod na dalawang oras. I already wasted 4 hours for nothing. Sana ay hindi na lang talaga ako pumasok ngayon. But I think it's fine. Nagkaroon din pala ako ng time maglibot sa buong unibersidad. What I liked here the most is their nipa huts. As in kubo na puwedeng tambayan ng mga estudyante. Kalat iyon sa campus at mabuti na lang ay may natiyempuhan akong bakante. Malapit ito sa isang acacia tree at ilang metro din ang layo sa soccer field. I took out my binder and pen before starting to draw a face. "Hi, Eona!" Napaigtad ako sa kinauupuan nang may dumungaw na ulo sa gilid ko. Ito 'yong lalaki kanina na nagpakaba sa akin nang sobra. Behind him is probably his squad. Marami at puro lalaki. "Uh, hello," I greeted silently. "Mag-isa ka lang?" Lalong lumapit ang mukha niya sa akin habang nakapatong na ang isang braso sa sinasandalan ko. Hindi naman ganoon kataas itong kubo at dahil matangkad siya, nagkapantay kami. I glanced at my drawing and scowled when I realized it was quite a familiar person. Nilingon ko ulit ang hindi ko matandaan ang pangalan na kaklase. "Actually, I'm with someone." "Oh? Saan?" Nilingon niya pa ang paligid ng kubo. "This is kinda complicated but... you know, I'm the only one who can see him. But he said..." Lumingon ako kunwari sa isang direksyon at tinuro iyon. "He wants to be your friend, too..." Nanlaki ang mata niya at napaatras. I smiled sweetly. Tumawa ang mga kasama niya. "W-Weh? 'Di nga?! Ano 'yon, multo? Engkanto? Bakit ikaw lang nakakakita!" I pouted and batted my eyelashes. "Well, he's my guardian angel. Do you really wanna meet him?" Naghagalpakan lalo ang nasa likod niya at may humila pa sa kuwelyo ng suot niya. "Tangina mo, Bret. Basketball na nga lang tayo. Sayang oras! May saltik yata 'to, e," sabi ng isa sa kanya. May sinasabi pa si Bret tungkol sa guardian angel ko pero hindi ko na pinansin pa. Inayos ko na ang gamit na nasa mesa at tiningnan ang oras sa aking wrist watch. Mabuti na lang at hindi ko kaklase ang lalaking iyon sa P.E. namin ngayon. Nga lang, hindi ko inaasahan na magiging kaklase ko rito si Xayvion. Ang lawak agad ng ngisi niya nang makita akong papasok sa room. Nasa likod siya banda, nakapabilog sila ng mga kasama niyang babae at lalaki. Napatingin din sila sa akin kaya yumuko ako. "O? Si Claudia? Akala ko ba ay sa UP siya?" "Claudia! Dito ka!" "Hindi 'yan si Claudia. Kambal niya 'yan. Hadassah ang pangalan," pagtatama ni Xayvion sa mga nagsalita. Naghanap ako ng bakanteng puwesto pero halos nasa harapan na lang iyon. Huminga ako nang malalim at naupo sa unang row. Nilingon ko ang katabing babae sa kaliwa na nakasalamin. Hindi totally katabi dahil may bakante sa pagitan namin. "Uhm... excuse me. Darating daw ba ang prof?" Lumingon siya sa akin at inayos ang salamin sa mata. "O-Opo raw." Tumango ako at ngumiti. "Huwag mo na akong i-po." "O-Okay po..." Her cheeks reddened. "O-Okay..." Wala na sana talaga akong balak siyang kausapin matapos ng tanong ko pero mukhang tulad ko, wala rin siyang balak makihalubilo sa iba. "What's your name?" "Uhm... Ange—" She was cut off when someone called my name. Iritado kong nilingon at tiningala si Xayvion na nasa harapan ko na. "Problema mo?" "Doon ka na lang sa puwesto namin umupo." Inirapan ko siya. "Sino ka para utusan ako?" Sumilay ang ngisi sa labi niya. "Ako lang naman 'to. Si Xayvion na may gusto sa 'yo." My cheeks heated up. Malakas ang pagkakasabi niya no'n kaya kinantiyawan siya ng iba naming kaklase. Nasapo ko ang mukha at hindi alam kung paano itatago ang sarili sa hiya. Can't he really shut his mouth? I bit my lip hardly. Nilabas ko ang phone sa bag at nilahad sa kanya. "Save your number there. I'm gonna text you." Nanlaki ang mata niya at agad na kinuha iyon. Biting his lower lip, he looked so serious as he tapped on my phone's screen. Kinuha niya rin ang sariling phone at nagtipa roon habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang hawak. "Got it," he said, smirking. "Ayaw mo pala ng personalan. Sige, sa text na lang." Hindi niya na ako pinilit pang lumipat ng puwesto at bumalik na sa may likuran. I looked back at the girl whom I was talking with but she was already scribbling on her notebook. "Sorry, ano nga ulit ang pangalan mo?" I asked carefully. "Angela," mahina niyang sambit at muli akong nilingon. "M-may... gusto ba talaga sa 'yo si Xayvion?" I pursed my lips and shook my head. "Hindi. Trip trip lang niya 'yon..." Saglit siyang natigilan at unti-unti, ngumiti siya nang maliit sa akin. Hindi na siya muling nagsalita kaya nagtipa na ako ng message kay Xayvion. Hanap ako nang hanap sa pangalan niya at nakitang 'Save' pala ang ipinangalan niya sa contacts ko. To: Save You see, your nickname is Save and now I want you to save me from future humiliation. In order to do that, STOP TALKING TO ME AS IF WE'RE CLOSE, OKAY?! AND DON'T CALL MY FIRST NAME. Pagka-send ko no'n ay ilang segundo lang nang may halakhak akong narinig sa likuran. Nag-beep agad ang phone ko. Sunod-sunod. From: Save Grabe naman. Caps lock. Galit na galit? :D What future humiliation r u talking about anyway? Bakit ayaw mong kausapin kita? Hindi pa ba tayo close? Kapag lumapit ako sayo, pwede na kita kausapin ganun? Ayaw mo ng Hadassah? Babe na lang? :D Mariin akong napapikit habang binabasa ang sunod-sunod niyang text. Oh my gosh. Hindi ba niya puwedeng pag-isahin na lang at text? Kailangan hiwa-hiwalay talaga? To: Save Stop bothering me here, will you? Or else, I might tell Clau that you're harassing me. Believe me, she'll believe what I'd say. Medyo matagal siyang nag-reply sa text ko. From: Save Wag naman. Di naman kita hina-harass, ah? Pero sige... di na kita guguluhin kung ayaw mo. Just please don't stain my name on Claudia. Late na dumating ang propesor namin. As usual, introduction lang naman ng bawat isa at ilang reminders. That's my last subject today so as soon as he dismisssed us, I stood up from my seat, ready to leave the classroom. Malapit na ako sa pinto nang humarang sa daanan ko si Xayvion. I didn't look up at him and remained my eyes on his broad chest. "I'm... not going to bother you again so, please..." My eyes flicked upwards. Mapungay iyong mga mata niya habang bahagyang nakatungo sa akin. "Huwag mo naman akong siraan kay Claudia..." halos pabulong niyang dugtong. I swallowed hard. Hindi ako makapagsalita. Is he really afraid that Clau will think bad of him? Bakit? Hindi kaya... ang kambal ko talaga ang gusto niya? "Okay," simple kong sinabi at nilagpasan na siya. The corner of my lips tugged upwards. Maybe yes. And if that's really the case, Claudia won't be heartbroken. Sana nga ay may gusto talaga si Xayvion sa kambal ko. Sana lang ay mapagkakatiwalaan ko siya sa kapatid ko. Because I don't think what I'd do if ever she'd get hurt by the person she loves. Ayaw kong matulad siya sa akin na nagtiwala sa matagal ng kilala pero sa huli, sasaktan lang din siya. "Grabe, Ate! Ang laki pala ng UP? Muntik na akong maligaw kanina kung hindi ko lang sinubukang magtanong sa mga tao roon!" kuwento ni Claudia habang nasa kuwarto ko. Uwian siya kaya naman buong akala ko, pagdating niya sa bahay galing UP ay ubos ang energy niya. But I was wrong. Parang nag-charge lang siya roon at dito magpapa-lowbatt. "Ikaw, Ate? Kumusta sa RSU? Isang beses pa lang ako nakapunta roon, e. Did you make friends, too?" She was brightly smiling. Umiling ako. Ngumuso siya. "'Di bale, Ate, sabihin ko kay Xayvion—" "Claudia, may gusto ka ba kay Xayvion?" putol ko sa sinasabi niya. Nanlaki ang mata niya at agad nangamatis ang pisngi. "May gusto ka sa kanya," I confirmed without waiting for her response. Her eyes turned gloomy. "Am I that obvious?" "Hindi naman mahirap malaman na may gusto ka sa kanya, e. Laging bukambibig kapag wala siya, namumula kapag kaharap siya, at nauutal kapag kausap siya. Those are the signs—" Nasa magkabilang gilid kami ng aking kama at nagulat na lang ako nang bigla siyang gumapang patungo sa puwesto ko. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at kinulong sa kanyang palad. "Ate, please don't tell him, please? H-Hindi niya naman siguro alam pa na may gusto ako sa kanya. Saka... ayaw kong malaman niya..." Kumunot ang noo ko. "Ba't ayaw mong malaman niya?" Pinatulis niya lalo ang nguso at mas namula. "E, syempre... ayaw ko nga na ako ang maunang umamin. And we're friends, too. Baka masira lang 'yon..." "Tsss." I smirked. "Talagang 'wag kang umamin. Mag-aral ka muna bago mag-jowa. Sinasabi ko sa 'yo, masisira lang mukha no'n kay Kuya." Her red face immediately turned pale. Binawi ko ang kamay sa kanya at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. "A-Ate, you won't tell Kuya Kaius about this, r-right?" Nanginginig pa ang boses niya. Pilit kong sineryoso ang mukha at nagkibit ng balikat. "Basta huwag mo akong kulitin, tikom ang bibig ko. Doon ka na nga sa kuwarto mo at matutulog na ako." Dahil ayaw masapak ng kuya namin ang lalaking gusto niya, hindi na nga niya ipinilit na magtagal pa sa kuwarto ko. I was about to turn off the light in my room when I heard a knock. Akala ko sa pinto, pero nang umulit ay nagulat ako nang sa bintana iyon nagmula. I know it was Zain. Naglakad ako palapit doon. I made sure that the windows are closed behind the curtain. Hinawakan ko ang dulo ng kurtina. "Aisa," he called my nickname softly. Nanindig ang balahibo ko at kumuyom ang kamao sa telang hawak. "I know you're just behind this curtain. I can see your silhoutte. Can you please open the window for me?" Binitiwan ko ang hawak at tumalikod na roon. No, Aisa. You can't trust that guy. Remember the last time he went in without my permission and hurt me? Pinatay ko na ang ilaw at hinayaan siya sa ginagawa. He was so persistent that I almost open the window and shout at him for bugging me. My goodness. Ano bang problema ng lalaking 'yan at ako ang ginugulo? If it's about his father or what, I'm very out of it! Kinabukasan ay hapon pa ang klase ko. Maagang umalis si Claudia at ang mga magulang ko kaya ako lang mag-isa ang nasa hapag. I was eating my breakfast when the phone on top of the table near my left arm suddenly rang. Binuksan ko lang iyon nang natapos na akong kumain. I saw two messages from unknown number. From: Unknown GoOd mOrning Eberi1!! JWU. eAt ur bFast nOw or I wiLL eaT U :D s0orrey phoU sza mGa nD kHo naReplYan kgaV. nk2lOg na c aquoH eii. tExt muNa tau Bago pum4soK xa skul? -Ghie Emm. #SaViPanGeTLggSakaLam eOw PfHoeZsx miSz e0N4h, dHi kaH pUhmaZ0K?? My brows met as I tried to decipher the meaning of his texts. Sumakit na ang mata ko sa pagbasa pa lang, pinasasakit pa ang ulo ko sa pag-iisip kung ano mang walang kwentang pinagsasabi niya. "Ma'am Aisa, may bisita po kayo sa labas," ani Beth na kapapasok lang sa kusina. Binaba ko ang phone. "Oh? Sino?" "Kaibigan niyo raw po." Kumunot ang noo ko. As far as I know, wala naman akong kaibigan dito kaya sino naman ang bibisita sa akin? Baka naman isa sa mga kaibigan ni Claudia? "Sige, salamat. Puntahan ko na po muna." Tumango siya at lumabas naman ako ng kusina. Mabuti na lang at hindi pinapasok agad ni Beth kung sino man iyon at baka magnanakaw pala. Nang buksan ko ang gate ay agad bumungad sa akin ang pamilyar na mukha. My feet froze upon the ground and my hands started to shake just by the look at him. Our eyes met. Agad sumiklab ang galit sa dibdib ko nang akma siyang magsasalita. Tinaas ko ang kamay sa harapan niya para patigilin agad siya. "I don't wanna hear your voice, Eljie," I said through gritted teeth. "I don't know how the f**k you find where I am and I don't give a f**k about any bullshits you're about to say." Iniwas ko na ang tingin sa kanya at akmang isasara na ang gate nang bigla niyang iharang ang kamay. "Aisa— f**k!" he cursed out loud when his hand caught by the gate. "Damn! Ang sakit!" Agad niyang binawi ang braso at hinawakan iyon. Pikit ang mga mata niya at nakangiwi habang dinadama ang sakit. "Look at how bobo you are," I insulted. He cursed again. His face and neck are already red. Now, now. I want to see more of his face in pain. I want to see him suffer more. "Aisa, I'm not here to pick a fight—" Muli kong sinara ang gate sa mismong harapan niya nang muli niya ulit iharang ang parehong braso. My eyes widened when the veins on his arm almost popped out from his skin. Nagpipigil ang sigaw niya mula sa labas. Marahan kong hinila ulit ang gate at mas malakas na sinubukang isara iyon habang naroon pa rin ang kanyang braso. He growled in pain. Walang paalam na tumulo ang mga luha ko habang tinitingnan ang nakakuyom niyang kamay at namumulang braso. Tatlong beses ko pang ginawa iyon sa kanya habang lumuluha. He didn't remove his arm there and just accepted every hit. "Ma'am!" nag-aalalang tawag ng kung sino sa likuran ko. I finally opened the gate wide again. Napaluhod na nang tuluyan si Eljie habang nakalaylay ang braso sa gilid. "Don't come and show your damn face on me again, dickhead, unless we're on the court," matigas kong sambit at saka siya tinalikuran. "Aisa, I'm sorry..." Pabagsak kong sinara ang gate at pumasok na sa loob. Nilagpasan ko ang tila takot na takot na sina Eliza at Beth bago nagtungo sa kuwarto. And there, I cried again. Not because I remember what they did to me. But because of what I did just earlier. Nagpadala ako sa galit at dahil doon... nakasakit ako. It was never my intention to hurt back anyone in any possible way but... I just did. Napahilamos ako sa mukha at tiningnan ang sarili sa salamin ng tukador. I felt like I became a monster for doing that. Kumuyom ang kamao ko at mariing napapikit. I searched for my Bible book on the shelves. I opened it without specifically looking for something when my eyes landed on that verse. "Do not repay anyone evil for evil. Be careful to do what is right in the eyes of everyone," I read silently. My heart ached as I continued to the next verse. Hindi naman nakakaiyak ang pagbabasa ng Bible pero bakit ngayon, hindi humihinto ang mga luha ko? "Do not be overcome by evil, but overcome evil with good..." Sinarado ko na ang banal na libro. How did He know that this is what I need to learn now? Did He touch my heart as soon as I opened the Bible to remind me that it was never really good to take revenge on someone with your own hands, because He will repay for us? That instead of doing ill to your enemy, you still have to be good for them? Why does it feel so unfair yet justifying? Siguro dahil Siya ang nagsabi. Siya na makapangyarihan. Siya na mapagpatawad. Siya na handang magsakripisyo ng buhay para sa kasalanan ng lahat. Nawala ang iniisip ko roon nang mabulabog sa lakas ng ringtone ng aking phone. Inabot ko iyon sa kama at tiningnan. From: Unknown hEy wazZ up? repz nmn po jan Napabuga ako ng hangin. To: Unknown Who's this From: Unknown the repetition of a sound caused by reflection of sound waves. source: mareng merriam defensor Kumunot ang noo ko. What? Hindi na sana ako magre-reply dahil mukhang loko-loko naman 'to nang bigla ulit siyang nag-text. From: Unknown nDe ka PumAsok????????? I rolled my eyes and started typing. To: Unknown Pwede bang ayusin mo ang text mo dahil naiirita na ako. From: Unknown wahahah taray talaga kahit hanggang sa text. eto na po miss taray. ok na ba to kasi ok lang ako hELLO, WELCOME BACK TO MY CHANNEL. DIS IS JERICHO A.K.A. ECHO RIVERA AT UR SERVICE. PWEDENG UTANGAN PERO BAWAL TAKBUHAN. PAG WALANG PAMBAYAD, TANGINA NA LANG SAGAD. JUST CALL 8-7000, JOLLIBEE DELIVERY. I pouted my lips to prevent myself from smirking. I don't know what's up on me but I still saved his number. To: Echolokoy So, it's you. Echo? How did you even get my number? From: Echolokoy my heart dictated to me your number. galing no? ganun talaga kapag pogi To: Echolokoy Wow. I waited for his reply in few minutes. Wala namang ka-reply reply sa 'Wow' ko pero hindi ko alam kung bakit naghihintay pa ako. His text never came, though. Natapos na akong maligo, magbihis, mag-ayos ng gamit, at umalis ng kuwarto pero wala. I mentally smacked my head. Why the hell would I wait for his text anyway? Dahil wala si Kuya, nag-commute ako papuntang unibersidad. Kasabay nang paghila ko sa taling nasa bubong ng jeep ay ang pagtunog ng hawak kong telepono. Bumaba muna ako bago nagmamadaling tiningnan iyon. My heart stupidly raced as soon as I read his text. From: Echolokoy can i see you later after your last subject?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD