Episode 47 Dominic `Dona' Nambria Naglalakad ako sa hallway papunta sa Dean office at napapakunot noo ako sa tuwing binabati ako ng mga nakakasalubong ko lalo na ng ibang mga professor. “Congrats, Dona!” “Congrats po!” “Congrats, Ms. Pacion!” Napapatango na lamang ako sa kanila kahit na hindi ko maintindihan kung bakit nila ko binabati. Mamaya pa naman lalabas ang ranking para sa semester ngayon kaya bakit binabati na agad nila? Samantalang noon kahit na alam nilang ako ang number one, wala silang pakielam. Hindi nga ako nakatanggap ng bati sa kanila noon pero ngayon todo bati agad sila sa akin kahit wala pang resulta. Kumatok ako sa pintuan ng dean namin bago ko ito binuksan. Matamis na ngiti agad ang ibinigay sa akin ng aming Dean. “Pinapatawag niyo raw po ako,” sambit ko. “Oo

