I searched on the internet the closest bar around the area at ang napili kong puntahan ay ang Rossie why? I don't know too, I just have the feeling na maganda ang ambiance doon.
I immediately went inside after parking my car. Pagpasok ko, bumungad saakin ang amoy ng sigarilyo. Perfect, just like how I wanted it to be. I went to the front seat and ordered myself a mojito.
"You pano ka nakapasok dito? Adult ka na ba uwi ka na hija baka hinahanap ka na ng nanay mo." A man around his 60's ang lumapit saakin para gumawa ng inumin ko.
"I may look like a minor but believe me, sir. I am older than I look." I joked and took a sip as soon as he handed me the drink.
"First time mo dito?"
"Yes, how did you know?" I smiled. This mojito blend is so refreshing!
"Alam ng lahat na madaming lumilipad na mga bagay dito sa loob ng bar kaya mag ingat ka--"
"Like this one?" Nasalo ko ang billiard ball na lumipapad papuntang likod ng ulo ko. Marahan kong inilapag sa counter ang bola at inilagok ang natitira sa baso ng mojito ko.
Gulat namang tumango ang matanda saakin. I gave him back my glass and ordered a bottle of whisky.
"There's no need to pour my glass, I want to be alone." I shooed him. Hindi naman na siya nag angal pa at pinabayaan nalang akong gawin ang kung anong gusto ko besides, hindi lang naman ako ang customer sa loob.
Ahhh this is life. There are no organizations to rule every day, no company papers to sign, no killing, no Jacob to nag me every day, no problems, just me and my bottle of whisky.
I am silenly drinking ng may grupo ng mga kalalakihang naupo sa tabi. I didn't pay much attention to them until I heard something fun about their conversation. They were betting about a drag race to be held in one hour from now, sa labas ng bar.
Malapit lang kasi ang lugar sa tabi ng oval, which is a good place to race.
"Pre, tiba tiba tayo kapag tayo ang nanalo. Hindi natin alam kung kailan mauubos ang stock nating droga galing kay Widowed Rose. Kapag nanalo tayo dito pero hindi na natin proproblemahin and source natin ng pang apat na buwan."
"Ano ibig mong sabihin? Si Widowed Rose ba ang kalaban sa race ngayon?"
"Hindi pre, pero yun ang posta ng bagong sali na gang."
Lucky! I chose this place to drink randomly. Who would have thought na mag kakaroon ako ng bagong lead dito.
"Whisky?" Humarap ako sakanila at nag offer ng whisky.
"Wohoho hi miss, mukang bago ka lang dito a. I've never seen a beauty like you for months now." Inayos ng lalaking nasa tabi ko ang upo niya at inilahad ang baso niya para kargahan ko.
"I'm sorry kung pakialamera ako pero, I heard you were talking about a race? I may not look like it but I am a huge fan of car racing so, can I join the fun?" Hinawakan ko sa tuhod ang lalaki sa tabi ko at matamis na nginitian.
"I'm Joana by the way."
"Lans." I offered my hand at nakipag kamay sakanya.
"Miss mga VIP lang ang pwedeng makapasok sa venue." Singit ng isa.
"He means hindi ka pwedeng makaasok without an invite mula sa mga dati nang miyembro." Paliwanag ni Lans saakin ng mapansin niya atang kumunot ang noo ko.
Maputi ang lalaking nag ngangalang Lans. Matangos ang ilong at may ityura, too bad he looks like someone who is prone to trouble and a drug user. If not, I would have asked him to go out with me.
"So pwede niyo ba akong isama sainyo?"
"And what would we get in return?"
"Follow me." Nagiwan ako ng pera sa counter at sinenyasan silang sundan ako. Tatlo lang naman sila so I am not worried kung may balak man silang gawin saakin na hindi ko magugustuhan.
Nagdiretyo ako sa parking lot.
"Miss kung katawan mo ang ibabayad mo saamin wag nalang, taken na ako eh hehe." My mouth twitch ng magsalita yung lalaking tinwag nilang Dave. Halos magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng sa bunganga niya lumabas ang mga katagang iyon. Tama nga ang sabi nila, kung sino pa ang mga pangit ngayon sila pa ang choosy.
"I have money." Kumuha ako ng isang bundle ng pera sa dashboard ng sasakyan ko at inabot kay Lans. That was around a hundred thousand.
He scanned the money at inabot ito sa mga kasama niya para ipatago.
"Sige, sumama ka saamin."
Naglakad lang kami papunta sa lugar na sinasabi nila. Sobrang lapit lang nito sa parking lot, kung hindi ako nagkakamali ay may tatlong daang metro lang ang nilakad namin.
"So, what should I do to join the race?"
Natawa silang lahat dahil sa tanong ko.
"Joana fix ang mga magkakalaban sa race, hindi siya open para sa iba." They explained.
"Kasali ba kayo?" Tinguhan ako ni Lans
"I want to join the race. If you want I can represent you. Don't worry, I am good at racing." I said confidently.
"No" Tatlong malulutong na no lang ang natanggap ko mula sa kanila.
"Kailangan naming manalo sa laban na to para makabili kami ng dru-" Hindi na natuloy ni Dave ang sasabihin niya dahil tinakpan ng isang kasama nila ang bibig niya.
"Magkano ba ang kakailanganin niyo para hayaan niyo akong sumali sa race under your name? You saw it, I just gabe you a hundred thousand, I can give more just let me do the race."
Tumigil sila sa paglalakad at lumayo saakin ng kaunti para mag usap usap. I gave them a few minute para pag usapan ang gusto nilang pag usapan.
"Deal, pero paano kami makakasigurado na nagsasabi ka ng totoo?" Seryosong sabi ni Lance.
"Don't worry kung mananalo ako sa laban I will give you the reward or kahit na anong premyong napag usapan niyo. If I lose, which is not going to happen, I'll give you a million. You can use my car as a collateral for the deal." Ibinato ko sakanila ang susi ng rolls royce ko.
I am just curious sa isang grupong nabanggit nila. Those guys' offer on the race is a large number of drugs from the fake Widowed Rose, so I am expecting that I could squeeze some information from them. Or, those groups could be from the fake Widowed Rose mismo trying to promote their products to the other gangs. Either way will be essential for my mission so I need to do the race.
"Okay, but we'll introduce you as our new member para walang mag duda na isa kang outsider."
"Deal"
"Deal"
Nakarating na kami sa entrance ng oval. Nakipag usap lang si Lans sa mga taga bantay sa gate ng ilang sigundo at pinapasok din kami pagkatapos.
Hindi ganun karami ang mga tao sa loob. There were about 150-200 people scattered around the area. Sa gitna ay ang mga sasakyan nagagamitin nila para sa karera.
"Nakita mo yung green na sasakyan sa gitna? You'll be using that." Sinundan ko ang kamay ni Lans at nakita ko ang pinaka,
pinaka...
pinaka pangit na sasakyang nakita ko sa balat ng lupa.
"Parang kapag sinipa ko yung bumper ng sasakyan niyo mahuhulog eh." I laughed dahil mukang mas matanda pa ang sasakyan nila kesa sa mga dinosaurs. Aba ngayon palang talaga matatalo na ako kapag yan ang ginamit ko.
"Hey wag mong maliitin yang sasakyan ko. I engineered that. I made a lot of modifications sa sasakyan, so it will be a lot faster than regular cars. Don't judge it based on its physical appearance."
"Mas lalo akong kinabahan ng sinabi mong ikaw ang gumawa ng sasakyan na yan." I joked.
Naupo kaming lahat sa bleachers sa baba dahil mas maganda ang view at mas mabilis akong makakababa kung oras ko na para sumama sa race.
"What kind of a race is this? One time race as in sabay sabay lahat o karera ng dalawang panig?"
"It will be by two's and we have registered ourselves for 1 match only. Kaya galingan mo." Inabot saakin ni Dave ang isang pambabaeng driver suit at helmet na hindi ko alam kung saan galing.
I took it at sinuot ko naman agad ang suit.
"Maupo ka muna, pang lima ang unang laban mo. You better watch how the other teams play. Baka sa tingin mo biro lang ang mga kasali dito, karamihan sa kanila mga propesyonal na car racer din." Lans offered me a seat sa tabi niya.
Tutok na tutok ang lahat sa panonood ng magsimula na ang mga laban except for me. Professional car racers they say? Bullshits mas magaling pa mag drive si Oscar, yung accoutnant ng organization namin sakanila.
These fellas are all bunch of amatuers. Kahit pikit mata pa ata akong mag drive mamaya ako pa din ang mananalo.