Chapter 42: Who are you?

1528 Words
Nakayuko akong pumasok sa loob ng klase not wanting to get anyone's attention. Nag apply na ako ng concealer para takpan ang mga pasa ng muka ko pero hindi pa din naging sapat para totally mawala ito. "Hule! Lakas ng loob mo pumasok sa departmental exam ng walang review review ah." Parang lumabas ang puso ko sa ribcage ng biglang hablutin ng kung sino ang hoody na tanging gamit ko para pagtakpan ang nakakahiya kong pag mumuka. Natahimik naman ang Scorpion boy ng makita nila lagay ko. "Hoy Nicky anong nangyari sa muka mo?" Guilty'ng tanong ni Ace at ibinalik muli ang hood ko para matakpan ang muka ko. "Eto ba rason kung bakit hindi ka pumasok ng ilang araw sa school?" Lumapit din si Miky para titigan ang muka ko. Pinagmasdan ko ang mga galaw ni Miky pero tila walang nangyari. I killed his brother yesterday why is he not mourning? "Sino gumawa sayo niyan? Sabihin mo yung mga gorilla bang Tres sororities? Kasi kung sila papatulan ko talaga yang mga yan." Nag simula ng tupiin ni Bernard ang manggas ng damit niya at akmang susugot. "Stop over reacting, bakit niyo ba ako pinapakialaman?" "Dahil Scorpion member ka na din." Sabay sabay nilang sabi. Napahilot nalang ako sa sentido ko at naupo sa upuan ko. Makikipag pabangayan din sana ako kay Blaire dahil masama ang tingin niya saakin pero natahimik ako ng mapansin ko ang bagay na nasa kamay niya. It was the bullet na nahulog ko yesterday. Although lukot-lukot na ang bala at muka ng walang halaga, I am afraid they'll find a good metalsmith at ma-recover ang bullet ng hindi na dadamage ang pangalan kong nakaukit. "Okay class arrange yourselves in alphabetical arrangement at pwede na kayong mag simula para sa exams niyo." I snapped out ng biglang mag pop up ang guro naming lahat sa klase. Fuck s**t hindi pa ako nakapag review! Sabi ko mag rereview na ako sa upuan ko pagkatadating ko eh. "This is all your fault." Kinurot ko ang kamay ni Ace binigyan siya ng masamang tingin. "What the hell did I do to you?!" Nag sagot ako ng exam na walang kaalam alam. Tuwing nag sasagot ako ng mga accounting problems, it feels like katapusan na ng mundo ko. Eto na ata ang pinakamatagal na two hours ng buhay ko. Hindi lang ako nag iisa dahil maging ang mga gung gong na scorpion boys ay bakas ang hopelessness sa kanilang mga pag mumuka. Pagkatapos mag sagot ng iba, isa isa na silang nag alisan sa loob ng silid. At kung minalas malas nga naman, sila pa ang naiwang mga kasama ko. "Okay last 15 minutes before I collect your papers." I admit defeat. Napatingin nalang ako sa papel kong napaka puti, walang gusot, at wala ding sagot. Tumayo na ako at nagpasa ng papel dahil wala ding patutunguhan ang pag titig ko dito. "Hey Nicky pahiram akong eraser mo." Tumayo si Ace at lumapit sa mesa ko. "It's in my bag." Walang gana kong reply sa kanya. Wait, did I clean my bag last night? "s**t ako nalang magbibigay." Tumakbo ako pabalik sakanya at buong lakas na tumalon para hablutin ang bag. It was too late, nabuksan na niya ang bag at nagsiliparan ang mga gamit ko sa sahig. Shit, I crawled as fast as I could at kinuha ang ginto kong baril sa sahig. Isiniksik ko ito sa likod ng pantalon ko at agad na tinignan ang buong paligid kung may nakakita ba sa hawak ko. And thank God, I think wala. "Miss Pasamonte get out! Wag ka dito gumawa ng gulo!" "No need we're done too." I gritted my teeth because I was f*****g careless this time. Pinulot ko na ang mga gamit ko at ikinarga sa bag. These assholes are like ticking time bombs. Tatakas na sana ako palabas ng klase ng bigla akbayan ako ni Miky at Ace. "Saan ka pupunta?" Inakay nila akong dalawa. "Tara miryenda? Tangina ginutom ako ng accounting." They all laughed and dragged me to the cafeteria without even asking for my permission. They gave me a seat, they offered me food, and they even made jokes na hindi naman nakakatawa. "So you have a new w***e Scorpion boys? Welcome back Chumchum, na miss kita." Para akong nasakal ng biglang isinabit saakin ni Beverly ang madami niyang bags sa leeg ko ng walang pahintulot. "Anong ginagawa niyo kay Chumchum by the way? Kung babae lang naman ang hanap mo Blaire, pwede din namang ako nalang. Maganda ako, sikat, matalino, ano pa bang hahanapin mo saakin? Diba Chumchum?" Malakas akong sinapak ni Beverly sa likod. A small sound of metal clicking was heard. Ayst, nahulog ang baril na isiniksik ko sa likod ng pantalon ko sa tabi ng paa ni Blaire. I don't know if he saw it. "What was that?" Sabay silang yumuko para silipin ang silok ng mesa. Buti nalang, I was fast enough to kick the gun sa isang sulok bago pa man nila makita. "Blaire if gusto mo ng girlfriend--" "Shut up or this fork with go to your mouth." Malamig na pamumutol naman ni Blaire kay Beverly. I chuckled dahil parang pinag sakluban ng langit at lupa ang muka ni Beverly sa narinig. Tinuloy tuloy ko nalang ang pagkain as if walang nangyari. The faster I finish eating, the faster I will leave these unlucky creatures. Matapos kumain, we bid our good byes at isa-isa na silang nagsialisan sa cafeteria. I enjoyed my food until the last bite. I clasped my two hands and said, "That was good." Tatayo na sana ako mula sa kinatatayuan ko ng napansin kong hindi lang pala ako ang natitirang tao sa lugar. Inilibot ko ang paningin ko at tanging ang mga tauhan nalang sa cafeteriang abala sa kani-kanilang mga trabaho at si Blaire ang nandirito. We were sitting sa magkabilang dulo ng long table. Pinulot niya ang baril kung saan napunta kaninang sinipa ko at marahang sinuri ang bawat ditalye ng baril. f*****g s**t I hope he didn't see the carvings with my name on it. Lumapit sakin sa kinauupuan ko si Blaire and he leaned closer. On other peoples perspective, it would look like he is trying to hit on me. Pero sa katotohanan, pasimpleng itinutok ni Blaire and baril sa tagiliran ko. "Careful there princess, you don't want to play with that gun." I whispered to him at marahang tinapik ng tatlong beses ang pisngi niya. I can smell his strong perfume, it's quite nice. His expression looked so grim at di makapaniwalang tinignan ako sa mata. Ngayon ko lang napansin, ang gwapo pala ni Blaire sa malapitan kahit galit ito. His jaws looked so firm, ang ganda din ng hubog nga mata, ilong at bibig niya. His eyebrows are so fuzzy still, he looked so damn hot when he's angry. Napailing ako dahil kung anu-ano na ang naiisip ko. If I want to live normally, I should at least choose a man who is normal too. I don't want to get associated with any trouble. Habang tulala pa rin si Blaire ay mabilis kong inagaw ang baril sa kamay niya at mabilis na binaklas ang baril. I took the bullets dahil ginamit ko ang balang may naka ukit na pangalan ko. Seriously, this gun is very risky to use pero eto ako paulit ulit ko pa ding ginagamit at hindi pa din nadadala sa nangyari kahapon. "Is this yours? Bakit may baril ka? Nicky tell me the truth..." Malalim ang titig niya saakin. Did he saw my name on the gun or did he recognize me from yesterday? "Sino ka? Were you send from the mafia para magmasid samin? Is that your motive sa paglapit sa mga kasamahan ko? I'm telling you now, muka lang mangmang sila Ace at iba pang mga kasamahan ko pero hindi mo sila maloloko." Nakahinga ako ng maayos ng marinig ko ang tanong niya saakin. I shrugged biglang sumbat sa mga sanibi niya. So their gang is associated with a mafia too, that's interesting. That explains why malakas ang impluwensya ng Scorpion gang around the area. "Who knows? Maybe I'm here to get a degree and live a normal life." Tumayo na ako at maglalakad na sana papalayo pero hinawakan niya ako sa balikat. "Sinong maniniwala with your stupid excuse? Don't make me laugh. Did Mom and Dad send you?" I looked at his hands na nakahawak sa balikat ko. Nanggigigil siya at pahigpit ng pahigpit ang hawag niya. Payatot lang ako and I swear kung hihipitan pa niya ang hawak niya sakin, my shoulder will f*****g snap. "If you plan to break my shoulder go ahead but I'm telling you, kung ano man ang nasa isip mo mali yon at wala akong kinalaman." Natauhan naman siya sa sinabi ko at agad akong binitawan. This asshole, that f*****g hurts hindi pa nga gaanong magaling ang sugat sa balikat at isa pa bugbog sarado ang katawan ko. Naglakad na ako papalabas sa cafeteria. I knew Blaire is following me so, I checked in sa isang five star hotel na malapit lang sa university. Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin ang pagmumuka ni Blaire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD